"Goodmorning Sir.."
"Goodmorning Sir.."
"Goodmorning Sir..."
Ganito ang sabay sabay na pagbati na naririnig ni Eddison sa twing pumapasok ito sa opisina.
"Goodmorning Sir Eddison. Coffee po?" salubong na tanong ng secretary nya.
"Sure! No sugar please.."
"Copy Sir."
"Paki tawag si Christian, tell him bring his report in my office now!"
Ito ang mundo ni Eddison. Dito, sya ang boss, mabait naman syang tao pero wala syang ibang gusto kundi masunod at magawa nila lahat ng gusto nyang ipagawa.
"Goodmorning Sir Eddison."
"Goodmorning! Kamusta ang pinapagawa kong report about kay Mr. Ong?"
"Ito na po Sir." At inabot nito ang folder sa table ni Eddison.
"Ano bang klaseng report to?" Hindi na nya napigilan ang sarili at nasigawan si Christian.
"Sir yan na po lahat ng profile ni Mr. Ong."
"Bigating tao si Mr. Ong tapos ganito kababaw lang ang impormasyon mong nakuha sa kanya? Nasaan ang utak mo? Sabihin mo nga sa akin ganito lang ba ang kalidad ng trabaho mo? Sa laki ng binabayad ko sayo eto lang ang katapat non? The Hell!"
At bigla na lang nyang inihagis ang folder sa harap ng tauhan nya at nagsisisigaw!
"Pulutin mo lahat ng iyan at lumabas ka ng opisina ko! Siguraduhin mong bukas na bukas din may maganda ka ng ibabalita sa akin. NAIINTINDIHAN MO!!!!"
Halos mapatalon si Christian sa ginawang pagbulyaw sa kanya ni Eddison.
"Opo., opo Sir!"
"Eddison!"
Napalingon si Eddison sa tumawag sa kanya.
"Ma! Ano bang ginagawa niyo dito?" Pagrereklamo ni Eddison.
"Sige na Christian lumabas kana, kami na ang bahala dito.." habang tinulungan naman ni Robi si Christian na pulutin ang mga nagkalat na papel.
"Kuya Robi pwede ba! Hayaan mo sya!" Lalo pang nagtaas ng boses si Eddison. Pero hindi sya pinakinggan nito at inihatid si Christian sa pinto.
"Ma, Kuya bakit ba kayo andito? Diba hanggat maaari ayaw kong pumupunta kayo dito? Dagdag lang kayo sa stress ko."
"Dagdag ba kami sa stress Eddison? O ayaw mo lang makita namin kung papano mo tratuhin ang mga tao mo dito? Bakit ka ba kasi nagkakaganyan anak?" Halos maiyak iyak na ang Mama nito.
"Ma, come on! Hindi naman natin kailangan pumunta pa dito para malaman ang pagiging halimaw nyang anak mo! Eh talk of the town lagi yan eh. Sya kaya ang tinagurian na Bachelors beautiful monster! Diba bro!" Natatawang sabi ni Robi.
"Shut up Kuya hindi ka nakakatawa! Ano ba kasing masamang hangin ang dala sa inyo dito? Wala naman akong natatandaan na usapan natin diba?"
"Wala nga! Eh na miss ka ata ni Mama eh. Ikaw naman kasi bunso halos ilang buwan ka ng hindi nagpapakita sa bahay! Puro ka na lang trabaho! Eh kahit siguro matulog ka na lang buong buhay mo hindi kana mag hihirap sa dami ng pera mo."
"Teka nga Kuya bakit ba kasi pinapaki alaman nyo pa ang trabaho ko. Dito ako masaya!"
"Masaya? Masaya ka bang talaga anak? Pwede ba Eddison tantanan mo na ang Papa mo. Halos pabagsak na ang kompanya nila dahil sa pag agaw mo ng mga investors nya. Nag iisip ka ba? Ngayon pati si Mr. Ong na kaisa isang pag asa nya na makabangon, pati ba naman yun susulutin mo pa. Tama na anak ang dami ng hirap ang inabot sayo ng ama mo..."
BINABASA MO ANG
Ill Find You
RomanceYou meet someone unexpectedly, and having no clue how much they'd mean to you in the future. How the path of two strangers crossed, and how it has changed and affected your life so much. And how an accidental clash of worlds, was the most beautiful...