Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha ng makita ko na sa wakas si Bella sa kwarto nya, nakahiga sa kama, hinang hina at napaka daming aparato sa katawan.. This is not the Bella I met in Bali... Yung napakakulit na Bella.. Sobrang maldita, ayaw magpatalo. Namimiss ko na lahat ng iyon.. Kahit araw araw pa nya akong awayin wala akong paki,, tatanggapin ko lahat ng kamalditahan nya.. Ayos lang bumalik lang ang dati nyang lakas....
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga luhang nag uunahan sa paglabas sa mga mata ko.. "Eddison.." at napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin.
"Tita.."
"Kami na munang bahala kay Bella ijo. Umuwi kana muna at magpahinga. ano ba ang nangyari sayo at punong puno ka ng pasa.. Nakapagpatingin kana ba sa doktor?" dama ko ang sinsero na pag aalala sa akin nito..
"Opo Tita okay lang po ako.. Nagkaroon lang po ng kaunting trouble kanina..." napangiti ako sa sagot ko...
"Ikaw talaga,, kaya ayaw na ayaw sayo ni Bella.. hahaha.." natatawang sabi ni Tita..
"Kung iba po ba ang personality ko Tita magugustuhan po kaya ako ni Bella.." BIglang bulalas ko.. Kahit ako nagulat ako sa mga nasabi kong iyon.. dahan dahan akong tumalikod.
"Nahiya kapa, kahit hindi mo sabihin Eddison dama ko naman yun.. Pero ako na nagsasabi sayo hindi gaun ang personality ni Bella.. She don't really mind kung trouble maker ang isang tao.. Bella has a really big heart.. Nagbago lang talaga ang lahat nung lumala yung sakit nya.." Nag uumpisa ng mag kwento si Tita at ayaw kong huminto pa sya..
"Tita ano po ba ang nangyari kay Bella at umabot na ang sitwasyon nya sa end stage ang kidney disease nya.." malumanay kong pag uusisa.. Dahan dahan itong nag lakad sa may sofa at sumunod na din ako at tumabi sa kanya..
"2 years ago nagtataka na kami sa madalas na pagkakasakit nya. Lagnat na pabalik balik , matamlay lagi.. Ilang random test na din ang ginawa sa kanya but still hindi namin agad na detect yung pinanggagalingan ng palagian nyang pagkakasakit.. Hanggang sa nag Bali sya.. Nakatanggap na lang ako ng tawag sa kuya ko na itinakbo si Bella sa Ospital.. And doon na namin nalaman na She's on her end stage of renal disease.." at muling nag flashback lahat sa akin ang mga nangyari after ng paghaharap namin ni Mr. Ong.. "Susunod na sana kami that time sa Bali.. But Bella requested na umuwi at dito na nga magpagamot.. Actually ang Tito mo naman is doing his best para makakuha kami ng connections sa Ospital sa US. May naka usap na syang doctor doon nag aantay na lang kami ma process lahat ng mga kailangan dadalhin na namin si Bella the soonest.."
Nagtatalo ang lungkot at saya sa puso ko, masaya ako at matitingnan ng experts doon pero hindi ko sya laging mapupuntuahn doon.. "That's good to hear Tita importante guamling na agad si Bella..." pareho kaming tahimik ni Tita at pinagmamasdan lang si Bella.. Nang bigla na lang syang nanginginig at biglang naging unstable ang mga vital signs nya sa monitor.. Agad takbo si Tita palapit kay Bella at umiiyak,, ako naman ay agad tumawag ng nurse at doktor..

BINABASA MO ANG
Ill Find You
RomanceYou meet someone unexpectedly, and having no clue how much they'd mean to you in the future. How the path of two strangers crossed, and how it has changed and affected your life so much. And how an accidental clash of worlds, was the most beautiful...