Ten

311 23 27
                                    

"Bella..."

"Eddison???" At nang tuluyan na syang humarap at binigkas ang mga pangalan ko ay para akong nabawasan ng mabigat na dala dalahin sa dibdib ko.

Bigla na lang akong nawalan ng control sa sarili ko at bigla ko na lang syang nilapitan at yayakapin na sana sya ng mahigpit ng bigla syang...

"No! Please Eddison!" Pasigaw nyang sabi at talaga namang napa bitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya...

"What????" Tangi kong naibulalas..

"Walang tayo Eddison.. At yung samahan natin sa Bali hanggang doon lang yun kaya please... Please.. let me go!" At lalo pang napakunot ang noo ko na akala ko at tuluyan na syang iiyak..

"Joke!!! Echos lang!! Nadala ka ba sa galing kong umarte Dong.. galing ko nuh..." At talaga namang napalagay na lang ako ng mga kamay ko sa bewang ko...

"Anak mag kakilala kayo?" Sabi ng babaeng kasama nya na sa wari ko ay Nanay nya..

"Opo Ma.. Nakasama ko sya sa Bali Ma.. sya nga pala po Ma si Eddison.. Eddison Mama ko.. sing ganda ko ano..." At talagang nakaka windang ang mabilisan na mood change ni Bella..

"Nice meeting you po Mam.. Eddison po friend sa NGAYON ni Bella..." Sinadya ko talaga bitawan ang mga salitang iyon pero halata naman na dineadma lang niya.

"Oh sya sige na Dong mauna na kami ni Mama ha madami pa kasi kaming gagawin ni Mama. Mag gogrocery, mamalengke, punta sa Mall.. mmm saan pa ba..."

"Ha?! Ano bang pinagsasabi mo anak alam mo naman na bawal ka mag....." Hindi na naituloy ng Mama nya ang sasabihin dahil basta na lang sya pinigilan ni Bella.


"Hehe si Mama talaga oh, diba nga Ma madaaaammi pa tayong pupuntahan..." Pag didiin ni Bella at pasimple pang pinanlakihan ng mata ang Mama nya..



"Ah okay.. sige ijo, mauna na kami may lakad pa nga pala kami. Nice to meet you Eddison nga ba???"



" Opo, Eddison at mabilis ko ding tinanggap ang kamay nito.. "Nice to meet you po ulit Mam.. "


"Mam? Naku tong batang ito Tita na lang.. sige mauuna na kami at para makapagpahinga si Bella sobrang haba kasi ng session nya ngayon sa..."


"Ma!!!!" Sabay pa kami ng Mama nya na mapatingin sa pasigaw nya."Mama talaga chichika pa talaga ng bongga eh.. tara na po..."


"Teka, wait session? anong session yun?" lakas loob kong tanong. Alam kong wala akong karapatan na magtanong pero gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyayari kay Bella. Bago pa sya umalis ng Bali ang huling balita na narinig ko ay bigla na lang syang itinakbo sa ospital...



"Session.. Ah si Mama kasi may therapy session nag ka sprain kasi sya.. Diba ma..." halatang nagsisinungaling si Bella at pasimple nyang kinalabit ang Mama nya. 


"Ha? ah eh oo ako pala yung may therapy dito. Ngayon lang ako na inform. Hindi nagkakalayo ang pag uugali ng Mama nya at si Bella parang anytime handa silang ilaglag ang isat isa...


"Bella please, may sakit ka ba?" derechahan kong tanong.


"Huy Dong! okay ka lang mukha ba akong may sakit? adik ka ba? Sige na mauna na kami ni Mama ha, bye.. Nice to see you again..." sabay kapit nya sa braso ng Mama nya at sumakay na sa kotse. Nang paandar na sila ay saka ko naman naalala na hindi ko nanaman ba makukuha ang number nya. 

Ill Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon