Kinabukasan ay maagang nagisng si Eddison. Pagkalabas nya ng kwarto ay nagtimpla ito ng kape....
"Gising na kaya si Joros?" Napatingin sya sa pinto ng kwarto nito. "Hhhmm... maaga pa naman, hayaan ko na muna syang matulog.
Matapos nyang makapagtimpla ng kape ay muli itong bumalik sa kwarto at agad naman dumirecho sa balcony...
"Wow! Bali! Bali! Bali!!! It's not my first time, pero mukhang ngayon ko lang na-appreciate ang ganda ng lugar nato..." tuluyan na ngang nabighani si Eddison sa ganda ng lugar. Mula kasi sa balcony nito ay makikita nya ang lawak ng karagatan at tanaw din dito ang paglabas ng araw...
Habang humihigop ito ng mainit na kape ay mabilis naman nyang napansin ang babaeng lumabas sa balcony sa katabing unit nito...
"Wwwooowww... hhhmmmm... Goooodmooorning Bali..." at kasabay non ay ang pag uunat ng dalaga ng mga braso nya habang nakasuot ito ng pulang nighties....
Halos mapalunok ng makailang beses si Eddison ng makita nya sa ganoong pustura ang babaeng kahapon lang ay halos isumpa nya. Mas lalo pang nagpainit sa nararamdaman nito nang mapansin nyang walang takip panloob ang dibdib ng dalaga...
"Eddison,, mukhang makaka akyat kana naman ng langit ngayon..." pilyong bulong nito sa sarili.
Samantalang nagulat naman si Bella ng mapansin nyang may matang nakamasid sa kanya agad naman nyang tinakapan ang dibdib nito at sinamaan ng tingin si Eddison....
"Hoy Mr. Rapist bastos ka ah! hanggang dito ba naman?! Yang manyak mong mukha talaga ang bubungad sa napaka gandang umaga ko! " at patuloy pa din ang dalaga sa pagtakip sa dibdib nito.
"Hoy Ms. Virgin! Gusto mo talaga subukan ang pagiging rapist ko ano! Gusto mo puntahan kita jan?" At ngiting nakakaloko ang ibinigay nito sa dalaga.
"Manyak! Subukan mo lang at baka maging kriminal ako ng wala sa oras!" At mas lalo pang tinaliman ni Bella ng tingin si Eddison.
"Hahahaha ......" halos mangiyak ngiyak na si Eddison sa kakatawa...
"Hoy! May nakakatawa ba?"
"Sorry... sorry... nakakatawa lang kasi., hahahaa panay ang takip mo jan sa dibdib mo eh wala ka namang hinaharap!"
At tila may bell na tumunog sa tenga ni Bella ng marinig iyon. Bigla itong pumasok sa kwarto at may kinuha at inihagis kay Eddison.
"Bastos ka na nga wala ka pang modo!" Gigil na gigil na sigaw ni Bella.
Saktong tumama sa mukha ni Eddison ang tuwalyang inihagis ni Bella sa kanya...
At umandar naman ang kapilyuhan ng binata. Hindi nya agad tinanggal ang towel sa mukha nya at ipinakita nya kay Bella na nag eenjoy itong amuy amuyin ang puting towel...
Lalong nagngitngit sa galit si Bella. "Hoy! Ibalik mo sa akin ang towel ko..?"
"Hmmmm... Bakit ko naman gagawin yun? Relax dear nag eenjoy pa akong amuy amuyin to... Hhhmmm... Napaka bango mo naman pala! " at mas lalo pang inaasar ni Eddison ang dalaga.
"Isa ibabalik mo yan o ako ang pupunta jan?" gigil na sabi ni Bella.
"uy... Good idea yan baby, gusto mo ba sunduin kita jan?? Masyadong malaki ang kama ko para sa akin. We can share my bed... " at sinabi iyon ni Eddison sa pinakamalanding boses nya.
"Bastos kang talaga!" papasok na sana sa loob si Bella ng tawagin sya muli ng binata.
"Ms. Virgin! " hindi man sya sumagot ay tiningnan pa din sya ni Bella.

BINABASA MO ANG
Ill Find You
RomanceYou meet someone unexpectedly, and having no clue how much they'd mean to you in the future. How the path of two strangers crossed, and how it has changed and affected your life so much. And how an accidental clash of worlds, was the most beautiful...