Fourteen

25 5 4
                                        


Halos hindi na ako magkanda ugaga sa pagtakbo mapuntahan ko lang si mama sa Ospital.. Agad akong lumapit sa front desk para malaman kung saan ko sya maaring puntahan.. "Nurse paki check nga anong room si Mrs. Laura Fernandez.." 



"Give me a minute sir icheck ko lang po..." tumango lamang ako at hindi pa din mapigilan ang mag alala ng sobra. Kakalabas lang ni mama ng ospital kahapon at baka may masama nanaman na nangyari sa kanya...  "Sir upon checking po wala po naka admit na Laura Fernandez... Dito daw po ba sya sa ospital  nato itinakbo?" nagtataka ako sa mga isinagot nito..



"Yeah I supposed, kahapon lang kasi namin sya dinischarge.. well anyways tatawagan ko muna kuya ko.. Thanks,.."Kinapakapa ko ang cellphone ko sa bulsa at agad kong tinawagan si Kuya..



"Hello Eddison, anjan kana ba?"



"Kuya andito ako sa ospital na pinagdalhan kay mama nung nakaraan pero nagtanong ako wala daw si mama sa listahan.. Asan ba kayo?" naiirita ko ng sagot kay kuya...



"Calm down bunso,, antayin mo ako jan sa baba ako na ang mag dadala sayo kay mama.." sabay off nya ng phone.. Naguguluhan man ay nag antay na lang din ako sa kanya..Maya maya pa ay may tumapik na sa likod ko..



"O kuya.. Ano ba kasi nangyari kay Mama?"



"Wag kana maraming tanong sumama ka na lang sa akin.." Tahimik kaming pumasok sa elevator hanggang pindutin ni kuya ang 3rd floor.. 



"Kuya, bakit wala si mama sa listahan sa baba eh may room naman na pala si mama.." Wala pa din akong nakukuhang sagot sa kanya hanggang mag bukas na ang elevator at nag patiuna na sya sa paglabas at naglakad na.. kahit naiinis na ako dahil wala akong makuha kuhang sagot sa kanya ay pinili ko na lang manahimik , dahil sa totoo lang parang ang dami daming nangyari na hindi ko na halos maintindihan...



Patuloy lang kami sa paglalakad  ng huminto si kuya sa isang pinto.. "Were here.. And Please Eddison for Moms sake you watch your behavior!" at talagang napakunot noo ako.. sasagot pa sana ako pero agad na pumasok na siya sa kwarto..



While door slowly opening,, unti unti ko ng naaaninag sa loob ang nakahiga sa kama,, hindi si mama kung hindi isang lalaking may edad na.. at kahit hindi ko pa man sya nalalapitan ay alam na alam ko kung sino ang lalaking yun, sya ang lalaking kinamumuhian ko!!!



Agad akong umikot pabalik muli sa pinto ng mabilis naman akong naharang ni Kuya..



"What the heck kuya!" Galit pero pabulong kong sabi sa kanya, dahil iniiwasan ko na maka agaw ako ng atensyon ng mga taong nasa loob ng kwarto na yun..

Ill Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon