Two

631 54 49
                                    

"Eddison! Ayaw mo na ba talaga kaming pakinggan? Eddison!" Halos magkandapa na ang ina nito sa pagpigil sa kanyang wag umalis.

"Joros! Pakidala ng bagahe ko sa sasakyan ayaw kong malate!"

"Sige po sir."

"Eddison hindi mo na ba talaga ko kayang pakinggan? Nanay mo ako at nakiki usap ako, please ipaubaya mo na sa ama mo si Mr. Ong. Please..."

"Ma relax, magbabakasyon lang ako. Don't I deserve to rest? Ngayon lang ako mag babakasyon Ma. Dati gustong gusto nyong magbakasyon ako. Tapos ngayon pinipigilan mo ako?" Paghihimutok ni Eddison.

"Oh come on Eddison. Wag ka ngang sinungaling!" Sabay napalingon ang mag ina kay Robi.

"Pwede ba kuya! Hindi ko alam kung ano ka eh kapatid, traydor o sulsulero. Nakakainis kana ha!"

"Hahahaha, Ma, hayaan mo na si Eddison. Let him go! And let him enjoy his so called vacation. Minsan kasi Ma mas mabuti na yung hindi sya pinipigilan. Kasi the more na ginagawa mo yun the more na nagpupumiglas si Eddison na gawin yung mga bagay na ipinagkakait natin sa kanya. Let him learn his lesson. Stop stressing yourself Ma..."

"Kuya kahit ano pa man ang sabihin mo nothing change! Ito na ako eh! Like you always said Im a beautiful monster!" Sagot ni Eddison at saka bumaling sa Ina. "Listen.. Ma, please leave everything to me! Ako na ang bahala! And here's the deal, kapag inayawan ako ni Mr. Ong fine hindi ko na sya guguluhin. Pero kapag napa oo ko sya.... well pasensyahan kami.." pero sa sa isip ni Eddison ay malakas ang pakiramdam nitong hinding hindi sya hihindian Mr. Ong.

"Fine! Suko na ako sayo Eddison. Wag na wag lang dadating sana ang araw na maglulupasay ka ng iyak dahil sa pagsisisi mo na pinahirapan mo ang ama mo."

"That wont happened Ma, relax...." at hinalikan ang ina sa noo nito.

"Kuya!" Sigaw nya kay Robi.

"Hindi ko alam kung gaano ako katagal don, baka naman pagbalik ko lugi na negosyo ko!? Yan ang wag na wag mong gawin sa akin Kuya!"

"Wag kang mag alala mag enjoy ka please... Malay natin baka hangin lang pala ng Bali Indonesia ang magpabago ng isip mo diba? Goodluck little bro!"

"Little bro? Shut up kuya! Sige na aalis na kami ni Joros. Last one kuya, paki check din paminsan minsan ang mag ina ni Joros. Matagal tagal ko din sya makakasama.."

"Ako ng bahala sa mag ina ni Joros. Mag ingat ka anak..." at niyakap nya si Eddison.

"Thanks Mom." At hinalikan ang ina sa noo.

Akbay ng magkapatid ang kanilang ina hanggang umabot sila sa sasakyan.

"Eddison anak, ipagdadasal ko na sana magbago ang isip mo... "

"Ma relax...." sabay pang sabi ng magkapatid. At nagtawanan silang tatlo.

"Sir, handa na po ba kayo? Eh yung haba po ng pasensya mo?" Biglang salita ni Joros sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Oo naman! Wala akong sinusukuan. Tska siyempre pinag aralan at inistalk ko na yan si Mr. Ong alam ko na ang kahinaan nya. Hindi naman pwedeng pumunta ako sa gyera ng hindi handa..."

Matapos kaharapin ang mahabang traffic ay umabot na sila sa airport. Matapos ng mahabang proseso ng pag check in ay ikinagulat ni Eddison na nasa Economy Class sila mauupo.


"Joros are you kidding me? Dito talaga? Kelan pa ako sumakay sa Economy Class?" Halos napalingon ang lahat sa kanya dahil sa lakas ng boses nito.

Ill Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon