Natapos ang halos dalawang linggo at nakalabas na ako ng ospital. Di naman na kami nahirapang maghanap ng pambayad sa bill dahil tumulong ang tatay namin at sina tito at tita.
"Yuuki," tawag sakin ng kuya ko nung makalabas kami ng ospital, ngumiti sya sakin at hinagkan ako ng marahan.
"Ano trip mo kuya? PDA sa labas ng ospital para pag may nakakita satin at na heart attack, hindi ma dead on arrival?" tumawa tawa ako at hinagkan din naman sya pabalik.
"It was just, I'm scared, I was scared of what happened, what will be happening, and what will happen now. I'm scared Yuuks." sambit ni kuya at hinalikan ng mabilis ang tuktok ng ulo ko.
Pilit kong ngumiti ng masigla kay kuya, "Walang mangyayari kuya, tigil tigilan mo nga ako kyah, kanose bleeding ka."
Tumawa si Kyah at bumitiw sa yakapan portion namin. Tahimik kaming bumalik ni Kyah sa bahay bahay namin at iniwan nya ako dun para daw magpahinga.
Nagayos ako sa sarili ko, may balak akong dalawin, matagal tagal na din nung huli ko puntahan ung lugar na un,
"Kakamiss..." wala sa sarili kong nasabi kung ano naisip ko. umiling lang ako at natawa sa sarili ko at lumabas ng bahay.
****
"Manong guard!" masigla kong sigaw since isang metro ang layo ko sa kanya.
"Oh! Papasok ka ulit?" masiglang bati at ngiti ni manong guard.
ngumiti ako ng may kabuluhan. Kinuha naman niya ang walkie talkie niya at binuksan na ang gate.
"Kyaaaaaaah!!" sigaw ko habang nagtatatakbo palapit sa mga malilikot na batang sasagupain ko.
****
Matapos ang rambulang nangyari dito sa orphanage ay inalalayan ako ni Mother Faith papuntang garden. Umupo kami sa isang mahabang upuan na bakal, lilim namin ang isang malaking puno.
"Pagpalain ka ng diyos, Naparito ka anak?" tanong ni Mother Faith pagkatapos kong pormal na bumati at mano sakanya.
"Di pwedeng namiss ko kayo mother?" Ngumiti ako kay Mother na ngumuso lamang. Ibinaling ang tingin ko sa paligid.
Huminga ako ng malalalim at pinag isipan ang mga susunod kong mga salita. "I think, I think I'm in pain." masigla kong sabi pero di makakaila ang lumungkot kong tono.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkagulat na reaksiyon ni Mother pero inayos naman nito agad ng sarili, "Anak ko, tell me" pagyaya nya sakin ng may halong pag alala sa tono.
Pagkarinig ko ng mga katagang iyon ay kusang naglabas ako ng boses, "Pakiramdam ko Mother, nagmamanhid ako. Naiinis ako sa sarili ko, sa katauhan ko." Tumingala ako habang nakangiti pa rin, ramdam ko na sumisigaw na ang utak ko na maglabas ng mga luha.
"Alam kong hindi naman ako ang may pinakamalaking problema sa mundo, alam ko yun, kaya wala akong karapatan magdamdam" tumawa na ako at pasimpleng tinanggal ang isang luhang nagpapapansin.
Tinignan ko si Mother, nangingilid na ang mga luha niya, pero gusto niya ipinakita na matatag siya at nakikinig ng maigi sakin.
"Alam ko ang mga himutok ko pero ayoko mag react, ayoko magsalita, ayokong problemahin, kasi kumpara naman sa ibang tao, wala to, siguro nga pagtatawanan pa nila to."
Lumabas na ang nagbabadya kong isang patak ng luha sa magkabila kong mga mata. Marahas ko tong tinanggal at nagpatuloy sa pagsasalita kahit garalgal na ang boses ko.
BINABASA MO ANG
The Childish and the Heartbroken
SpiritualWala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mund...