_-2-_ ---> Get to know me!!! ^0^d

122 3 5
                                    

Nung nagsawa na ako mag swing at naubos na ang aking ice cream, napagdesisyunan ko nang humayo at magpakarami---este lumakad na para sa trabaho.

15 years old palang ako, nagtratrabaho na ako, kelangang gumapang para makaraos sa buhay! Anong trabaho ko? Hostess. wahahaha! Jokies lang!! May dangal at karangalan ako no!!! Di ko lang sure kung ano meaning nila.

Ako ay isang. . . . TENENENTENEN Singer sa bar!! Gwapo ko noh?

Di po aKO tibo, naniniwala lang ako sa paniniwalang pagako naging lalaki, AKO ANG PINAKAPINAKAGWAPO!!! papeng!!! Hahah, sorry po mahirap lang talaga ako, Kay Tito ko yung may ari ng bar.

Namatay na mama ko, mula ng ipinanganak ako, tapos yung idol kong ama nagasawa ng bago wala nga siyang sustento samin eh. Wala na akong pakialam dun, basta nasa tabi ko lang ang nag-iisang kuya ko!!!

Siya nalang ang maituturing kong pamilya, waiter siya sa bar din ni tito, parehas kaming nagkakayod sa buhay. At habang nag eexplain ako sayo dear reader, nandito na ako sa trabaho ko!

Ang bar nina Tito, ang "Chocolate bar" astig no? Nakuha niya yan sa pangalan ni Tita Chocolate! Oh di, may natutunan na kayo?? Clap clap!!

"Oh Yuuki, bat ngayon ka lang?" Pambungad sakin ng Kuya ko, Si Kuya Yami Asashina!!! Banzai! Banzai! Tinakasan niya patalaga ang pagpupunas ng table para lang salubungin ako, whoot! Nagpapahinga!

Hindi, Masipag kuya kong yan! Lahat ng umaaway sakanya uupakin ko! Syempre ang mga gwapo marunong mambugbog!

"Nagpunta lang ako sa park Kya, Sige bihis na ako!"

"Sige," At bumalik na siya sa pagpupunas.

^^0^^0^^0^^0^^

Nakabihis na ako at nagayos na ng gitara ko,

"Oh ayos na ba lahat Hija?'' ay si Tito pala,

"Opo Tito Rocky!"

 "Sige, start ka na mamaya ha,"

"Opo!"

"Tsaka ayos ayos din ng mukha pag may time ha hija? Sayang ganda mo eh.'

"Ang adik nyo tito!" Naihanda ko na ang lahat at pagkalipas ng limang minuto sinignal na ako ni Tito Rocky na tumugtog. Alam niyo ba ang apelyido ni Tito Rocky? Siya si Tito Rocky Road. O di ba? Lahi ng mga ice cream.

Hinawakan ko na ang gitara ko at inistrum ito at lumapit na sa mic na may stand.

~ It seems all of these words,

Couldn't be further from,

The truth,

How did I get here?

what did  I do?~

Then napansin kong may pumasok na lalaki, whoot!!! Anak mayaman! Ang puti, ang tangkad, medyo slim at medyo tago ang mukha dahil sa buhok niya,

 Swerte niya no? Nagagawa at nakukuha niya lahat ng gusto niya, pero di ko trip maging mayaman, walang thrill, di nila pinaghihirapan ang isang bagay. Isang hingi lang nakahanda na, asan ang thrill, sayang di nila alam kung ano ang feeling kung makamit mo ang isang bagay dahil pinaghirapan,

~Your eyes telling me lies,

Making me find myself,

while you,

Have your agenda

A life to pursue,~

Pero kahit ganun, maswerte siya, walang isang patak ng pawis andyan na sa harapan  niya lahat,  Siguro, buo pamilya niya? Siguro palaging may gathering sila? Siguro ang sarap ng feeling na may matawag kang mama, tapos may papa pa! whoot! Ang swerte lang!

The Childish and the HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon