"Yuuki, don't you remember me?" --->Casper huh?
"Its been just 8 or 10 years!" ---> Casper huh???
"Its me Cass!!" huh???
cass...
cass...
Cass...
Ang ulo ko,
parang may pumupugpog na kung ano sa ulo ko, palakas ng palakas... masakit, makirot, hindi ko kaya napahawak ako sa ulo ko at napasabunot.
sobrang sakit, hindi ko kaya.napaluhod ako, nabibingi na ako, sumigaw sigaw ako,
pero di ko marinig ang sariling boses ko.
may humahawak sakin, nasisikipan na ako, nahihirapan na ako,anong meron sa pangalan na iyon?
"cass..."
***
Napadilat ako ng mata pero bigla kong pinikit dahil nasilawan ako, Sobrang puti ng lugar na to, baka nasa hospital ako, o baka, sa clinic ng school namin? Bat nga ulit ako nandito?
uti unti ulit sumasakit ang ulo ko, napapikit ako, Yuuki, wag kang mag isip ng kung anu-ano, unti unti nawala ang sakit sa ulo ko,
"cass, dito lang ako..."
bigla ulit nagmulat ang mata ko, sigurado akong boses ko yun, pero di ko matandaang may sinabi akong ganun sa tanang buhay ko.
nanaginip lang ba ako? bat ang luha ko, tumulo ng kusa?
bakit?..."Yuuki! Finally your awake! I was so worried!" tumakbo si trixy mula pintuan ng clinic at yinakap ako.
"Yuuki," napatiningin ako sa boses na iyon. sa likuran ni trixy, ay ang kuya ko... Ayan nanaman ang mga mata ni kuya. Ang mga matang nagpapakirot sa puso ko.
,
kuya, bakit ganyan ka sakin tumingin? kuya, ... wag kang masaktan ng dahil sakin... mahal kong kuya..
ang kanang mata ko, biglang may tumulong luha. bakit? di ko maintindihan bakit?
"bakit?" hinawakan ko ang ulo ko "bakit??" nagiging mabigat na ang mga hininga ko
"bakit???" unti unti kong sinasabunutan ang ulo ko "BAKIT?! BAKIT?! BAKIT?!" imuumpog ko ng inuumpug ang ulo ko sa kama
bakit ako nagwawala? bakit?? bakit ang sarili ko, di ko maintindihan? !
BAKIT?!
yinakap ako bigla ni kuya at pinigilan, nararamdaman kong nanginginig ang kuya ko,
at unti unting naging maayos ako, yinakap ko pabalik si kuya, umiiyak ako ng malakas na kahit si Trixy ay napaiyak din, at pagkatapos nuon,
nakatulog na ulit ako.
***
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi , at nandito na ako sa kwartong inuupahan namin ni kuya. may bimpo sa ulo ko, wala naman akong lagnat, sa tabi ko ay ang nakatulog kong kuya,
ang ulo at kamay niya sa kama ko habang nakahiga sa sahig. binantayan ako ng kuya ko,
napangiti ako, at pagngiti ko, lumuha ulit ako,
iyakin ba ako?! Kumikirot ang puso ko.
bumaba ako st umupo din sa sahig. kahit natutulog si kuya, yinakap ko siya, at doon nagising si kuya, nagulat siya at yinakap din ako ng mahigpit.
umiiyak lang ako ng matahan habang hinihimas himas ni kuya ang ulo ko. nung naging maayos na ako, pinainom niya ako ng tubig.
"Gusto mo ng pagkain?" kuya Yami. ngumiti lang ako at nag nod bilang sagot. Dali daling tumayo si kuya at nagluto ng instant noodles.
nang naluto na ang noodles, agad akong kumain sa mini table namin at si kuya, titignatitig sakin.
"Bakit kyah?" tanung ko.
(PS ganyan si Yuuki magsalita ng kuya, "Kyah" ^^d)
"Baho ng hininga mo Yuuks," Ay pusa! Akala ko na may sasabihin na syang heartwarming!
nagsarcastic smile lang ako at kumain pa ng kumain.
"Kyah" tawag ko kay kuya na di inaalis ang tinin ko sa noodles.
"hmmmmm?"
tumigil ako sa pagkain ko at tinignan sya ng seryoso sa mata.
"Natutunaw ako." at nagpatuloy akong kumain.
"HAhahahahah! Ewan ko sayo yuuks, pero di nga, okay ka na?"
"Yup, ganyan talaga kuya mga kaartehan ko sa buhay, pagbigyan mo na." sabay ngiti ko sakanya. ngumiti sya pabalik.
"Nga pala kyah, para san ang bimpo?"
"Ang baho mo eh, ayun pinunasan kita."
"H-hanggang saan mo ako pinunasan kyah?" ngumiti si kuya ng masama
"Gusto mong, malaman?" namilog ang mga mata ko at nagsiliparan ang mga balahibo ko.
"Hahahaha! Okay lang yan yuuks, nung 6 years old nga sabay pa tayong naligo tapos nung 10 years old ka palagi mong hinahawakan ang abs ko, at nung 12 ka naihi ka pa sa kama mo tapos nung---"
"OKAY NA! Nagets na ng mundo! Okay na?! Oh hugasan mo yan payatot ka! at FYI WALA KANG ABS. Matutulog na ako!"
pagtalikod ko ngumiti ako at tuluyan ng nakatulog ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
The Childish and the Heartbroken
SpiritualWala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mund...