Whaah tapos na klase~ Nagkaroon pa ata ako ng hater sa school na to. *sigh
"Yo! Yuuki"
"Ah, Snowiee hi!" sabay todo ngiti.Kinuha nya ang isang upuan at umupo sa harap ko.
"Bakeett???"
"Bigla kang sumikat ah," sabay smirk ni Snow. kumunot noo ko at inantay siyang magpatuloy. "May kumalat na may pinaiyak kang babae, grabe kagwapuhan mo." Sabay kurot sa pisngi ko.
"Ah, si ella ba?"
"Ewan, basta second year. Ano nangyari?"
"May sinabi akong totoo tapos bigla syang nagalit, kung sabagay kapag katotohanan masakit. Di kayang tanggapin ng mga tao, gusto lang nila lahat ng magaganda, ayaw nilang tignan ang mga pangit. haay"
"Yuuks,"
"Hmmm?"
"Daldal mo."
"Snoowwww!"
"Pero di nga ano nangyari?"
"Hmm, nagkagusto sakin ung crush nya."
"Hanep gwapo mo! Tapos?"
"Hmmm, sinabi ko wala akong pakialam."
"Ahh, kaya pala."
"Yea, ipinanganak akong masamang tao eh"
"Pero kung ikaw nagsabi sa tingin ko di mo binangit sakanya ang word na walang pakialam, tama?"
Nagulat ako,
halos lahat ng tao pag sinabi ko sa kanilang wala akong pakialam, bigla silang magagalit sakin at gusto akong iwasan. Pero, itong nasa harapan ko...
Ngumiti ako ng malambot at nagnod.
"Di ka masama, sinabi mo lang ang totoo," ngumiti sya at ginulo buhok ko. "Tara hatid kita sa trabaho mo"
ngumiti ako ng malapad.
"Yaay!! ^0^/"
^0^^0^^0^^0^
"Sige una na ako." nandito kami sa trabaho ko, di na daw sya papasok since may gagawin pa daw sya ngayon.
"Okay, byiee! Thank you snowiee!!"
"Ah yuuks"
"Yes~?"
"Gusto kitang, gusto kitang makilala pa."
napatingin ako kay snow.
ngumiti ako ng malambot. "Okay,"
ginulo nya ang buhok ko at umalis na.
"Yuuki!"
"Kuya?"
"Si papa, nasa hospital!"
"..... Tapos?"
nagulat si Kuya Yami at nagshake ng ulo,
"Punta tayong hospital?"
"Dapat ba?,"
"Yuuki..."
"Lahat ng tao naoospital wala tayong magagawa." naglakad ako at linagpasan si kuya.
"Yuuki alam kong galit ka sa tatay natin, pero hinahanap nya tayo." hinablot nya kamay ko.
" Sige."
***
"Pa," bati ni kuya. sa likod lang ako ni kuya, di ako natatakot o ano man, wala lang talaga akong pakialam.
"Buti naman at nakadalaw kayo kahit gabi na..." hinang hina nyang sabi.
ngumiti si kuya, tinignan ako ng taong nakahiga sa hospital bed.
"Yuuki buti nandito ka,"
naglakad ako paunta sakanya at nakatingin lang,
"Magsalita ka naman anak ko..."
"Kung mamamatay ka na, gawin mo na." tumalikod na ako at hinawakan na ang doorknob.
"Yuuki!" sigaw ni kuya.
ngumiti ako kay kuya, "bakit kuya??"
"Bat ka ganyan?!"
"Hmmm? Ano kuya??"
"Yami, okay lang, sige na yuuki, pwede ka nang umuwi, sorry inistorbo kita."
tinignan ko sya "Di to istorbo, at least napaalala ko sayo may anak ka pang isa, ako, ako na babae." tuluyan na akong umalis.
*sigh,
nagsayang kami ng pamasahe, wala man lang akong kinain,ano ba yan. inaantok na din ako. anong oras na ba? kulang pera ko di ako nasweldohan, pahamak.
tumulo luha ko.
pinunasan ko at dumiretso sa banyo ng hospital. tinignan ko sarili ko.
umaagos lahat ng luha.pero sa totoo lang wala akong pakialam.
pero nung sinigawan ako ng kuya ko, pakiramdam ko,
ako na pinakamasamang tao na nabubuhay dito.
ako naman palagi eh.
kahit anong dahilan ko,
kasalanan,
at kasalanan ko pa din.
Si kuya,
naramdaman nya kung ano pakiramdam magkaroon ng tatay, pero ako hindi, kaya kahit papaano, mahal ni kuya ang taong nakahiga sa hospital bed na iyon.
sorry kuya,
ang sama ko,
sobrang sama ko.
Dear diary,
I dont hate nor dislike anyone, I just don't care. I'm already fed up of taking care of people. I was born alone, live alone, so its fine if I die alone.
BINABASA MO ANG
The Childish and the Heartbroken
EspiritualWala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mund...