_-22-_ ---> Woman!

26 1 0
                                    

Pano ba magmove on?

First step,
Anger

Magalit, ilabas lahat ng hinanakit sa buhay
Wag maghold back, ilabas lang ng ilabas, isigaw, iiyak,

Sabihin mo sa mundong may pighati kang dinadala
Isigaw mo ng sobrang lakas, mawalan ng pakialam sa sasabihin ng iba. Ikaw ito, bida ka ng sarili mong mundo. Oo may mas malaking problema sa mundo na dapat mas iiyak kesa sa problema mo. Oo hindi naikot sayo ang mundo

Pero

Ikaw to
Ikaw ang bida sa libro mo
Kalimutan mo lahat, wala kang pakialam, wala kang kahit ano mang iisipin.
Maging makasarili

Dahil kung ang maliit na bagay na ito na ikumpara sa problema ng mundo hindi mo masettle, ano pa ba maiaambag mong tulong sa malaking problema ng ekonomiya?

Kaya ako?
Uhh...

"Nasan tayo Rain?" Tanong ko sa hila ng hila sakin kanina pang umaga mula bahay hanggang kung saan mang lupalop ng mundo ito.

"Circus" sagot nya at tinignan ako na may 'duh' na nakasulat sa noo nya

Aba aba,

Eto talaga to eh, eto na talaga to eh,

"Eh kung pinaalmusal mo sana ako edi sana nagkacommon sense ako ano?"

"Grumpy, tsk."

Hinila nya pa ako ng mas malakas at tinulak ako papuntang hotdog stand.

"Here, choose." Sabi nya at tinuro ang malaking listahan ng menu ng mga presyo ng ibat ibang klaseng hotdog

Aba aba,

Choose daw. Asan ba pinakamahal dito. Mayaman ka man mauubos din yang pera mo pag ako kasama mo.

Uulan ka ng luha Rain

*evil laugh*

"Sampo nito!" Turo ko sa chicken jumbo hotdog na may ibang kaekekang dahon with bun, ung pinakaspecial nila.

"Sure, just so you know, make sure mauubos mo yan, Im not spending money for you to waste"

"Sos, aber kedabra isang daang hotdog yan ubos ko yan"

Tinignan nya ako ng di makapaniwalang tingin. Tas ilang saglit lang unti unti syang ngumisi sakin at tinignan ang tindera

"Miss, a hundred pieces of your special for this lady" sweet syang ngumiti sa tindera at lumabas ang dimples nya.

Kumunot ang noo ko at bigla syang hinampas sa likod

"Hoy! Pauto ka naman! Lima lang! Lima! Miss lima lang ah? Hehe"

Ngumiti si Rain na labas ngipin at ginulo buhok ko.

Nang naluto na ang order agad kong linamon lahat. Ilang beses din ako nabilaukan sa sobrang bilis ko lumunok. Faster than lightning. Mesherep eh bakit ba.

"Yuuki"

"Oh?" Busy akong lumagok ng softdrinks dahil ika 13 beses ko na mabilaukan.

"What a mouth, Im shocked."

Tinignan ko sya ng masama at nagpatuloy pa din uminom, ukie, next hotdog naman.

"Yuuki"

"Oh?"

"Favorite mo hotdog?"

"Hindi, naghahanap lang dila ko ngayon ng hotdog."

"Ah."

Kumagat ako ng malaki sa hotdog at linasap ang masarap at juicy na lasa.

"Yuuki"

"Oh?" Uminom ulit ako ng softdrinks. Daldal ngayon ni Rain, busy yung tao eh.

The Childish and the HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon