"Yuyu! Asan na pinggan?" kilala ko to, eto ung kababata kong si Cass, nagtratrabaho kami kahit bata pa lang sa maliit na restorant nina grandmama.
"Eto oh! ingat ha?" ngiti ng maliit na versiong ako na sobrang dumi at malaki ang damit,
"Okay!" ngiti ng bunging batang si Cass. maingat niyang dinala ang mga pinggan nang biglang may lumabas na paa sa may pintuan na dahilan para mawalan ng balanse si Cass at nabasag lahat ng pinggan.
"C-cass!" nanginginig na sabi ko, ung ako na maliit na bata.
"ANO TO?!" Naglabasan ang tatlo kong tita, Ung isa payat ung isa pangit at mataba, ung isa mataba pero maputi at maganda.
Kumabog ung puso ko ng sobra, "S-sorry po..." nginig na sabi ko habang hinahagkan si Cass na malakas ang iyak. Tinignan ko ung tumisod kay Cass, ahh,..., Si Kuya Yami ulit, ung batang version, ang saya saya nya, sa likod nya ung mataba kong pinsan anak ng mataba at pangit kong tita.
ngumiti lang ako kay kuya habang tulo ng tulo luha ko.
sinipa ako ng tita kong payat. "Malas ka eh! Manang mana ka sa nanay mong patay! Wala kang kwenta! Bat ka pa kasi ipinanganak?! Malas!" Umiiyak lang ako habang tinatabunan si Cass at sige sipa ung tita ko.
Hinablot ng mataba at pangit ung buhok ko at dinala sa pinakagilid ng kusina, dun pinagtulungan ako ng tatlo kong tita.
"Waag po, please," mahinang hikbi ko, sobrang sakit na ng ulo ko.
"Wala kang kwentang babae, eto na nga lang trabaho mo di mo pa magawa ng ayos! Hampas lupa! Malas ka! Malas!" sabi ng tita kong nasa gitna,
'ano?' ano naging kasalanan ko?'
'bakit ako? tulong...tulong,'
'pero wala namang pupunta dito, siguro nga dapat, di nalang ako ipinanganak...'
'pagod na po ako, sana po patulugin nyo na po ako, pagod na pagod na po ako papa Jesus,'
'Gusto ko na pong sumama sa inyo, papa Jesus, kunin nyo na po ako, ayoko na po,'
naririnig ko ulit mga iniisip ko nuong bata pa ako,
napagod na mga tita ko kakasabunot sakin at iniwan ako, dinuraan pa ako ng mataba at pangit na yun.
Linapitan ako agad ni Cass "Sorry Yuyu...D-dapat ako ung nandyan...Ang duwag duwag ko... Yuyu sorry...nakakahiya ako..." Sobrang iyak ni Cass habang hinahagkan ako,
nakita kong tahimik na nakasilip si Kuya Yami at ung pinsan ko na abot langit ang ngiti. Binigyan ko sya ng tingin na sobrang nasasaktan ako habang tulo ng tulo ung luha ko, Sana naging masaya ka sa pagaway sakin nina tita, sana napasaya kita ng sobra kuya, makita ko lang ngiti mo, okay na ako, okay lang ako kuya.....kaya ko pa kuya.......
"Gu-gusto ko nang lumaki Yuyu, gusto kitang ipagtanggol, bat kasi bata pa rin ako! Ang hina ko!"
"Cass, umalis ka na kasi dito, di ka namin kaano ano, di dapat ganito buhay mo," bulong kong sabi,
"Di rin naman dapat ganito buhay mo!"
"Tumakas ka, lumaki kang malakas, tapos aantayin kita dito, balikan mo ako okay?" ngumiti ako.
"Ayoko, ayoko, ayoko!" tulo ng tulo ung luha nya habang yinuyugyog ako.
"Cass... dito lang ako..."
***
"Ui! gusto mo sumali?" sabi ng kuya ko, wow, yinaya ako ni kuya makipaglaro, mabait na sya sakin? Yay! Iniwan ko trabaho ko sa paghuhugas ng pinggan at sumama sa kuya ko.
BINABASA MO ANG
The Childish and the Heartbroken
SpiritualWala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mund...