Ngayon mag isa na ako sa hospital bed na di manlang makagalaw ni makadilat.
Bumalik ulit lahat ng napanaginipan ko. Mga ala-alang binaon ko ng malalim nung bata pa ako, pero eto nahukay.
Ano nararamdaman mo yuuki? tanong ko sa sarili ko.
Wala, siguro malungkot, pero matagal na un eh, may konting galit pero majority wala eh. Masaya pa nga ako, akalain mo ala soap opera buhay ng isang gwapong katulad ko?
*sigh, sa loob loob ko may parte na gusto ko umiyak tapos mag 'revenge'. Para kunyari madrama.
malapit na sana akong malunod sa mga iniisip ng may kumatok at pumihit ang pintuan.
"Hi" sabi ng lalaking kakaupo lang sa tabi ko.
Well, hello din sayo stranger~ tumawa ako sa isipan ko
"Nageenjoy ka ba sa pagtulog? Kelan ka pa ba magigising? Miss ko na mga trip mo sa buhay." sabi ng lalaking hindi ko masabi kung sino, pero pamilyar ang boses.
"Pakiramdam ko, nagiisa na lang ulit ako, wala na nga si Hail sakin dahil sa ginawa ko, ngayon naman, mahimbing kang natutulog."
"Di ko namalayan, nagiging masamang tao na pala ako, hindi mo man lang ba ako ikokomfort? Magising ka na nga uy!" yinugyog nya ako ng kaunti at tumawa sya ng mahina.
"Speaking of which, alam mo bang wala na akong magawa sa buhay? Hinahanap hanap kita for some reason, siguro di ko namalayang, isinama na kita sa sistema ko! Kaya uy! Magising ka na! Pusa miss ko na kakulitan mo" tinap nya lightly ang pisngi ko.
"Hahaha, haay, aalis na ako ah? sa susunod ulit" kiniss nya ako sa noo, at ang huling narinig ko na lang ay ang pagsara ng pintuan.
Snowie...
***
Unti unti akong napadilat ng mata sa ingay ng paligid. Napapikit ulit ako a sobrang puti at masilaw ng paligid. Ang kaninang maingay na paligid ay ngayon ay tahimik.
Dumilat ulit ako ng dahan dahan, kung kanina nakakasilaw na puti ang nakita ko, ngayon ay nagsisikipag agawan ng pwestong apat na ulo, pinagmasdan ko ang mga di maipinta nilang mukha at tumingin sa gilid ko. Ang kamay ng kuya ko ay nakadagan sa isa pang ulo kaya nakkikipaghalikan ang ulo neto sa kama ko.
"Hahaha..." tawa ko ng mahina, unti unting napansin ni kuya ang ginawa nya, at inalis ung kamay nya sa ulong nakadapa sa kama.
Tinignan ako ng lalaking nakadungok kanina ng masama, "You found that funny?" sarkastikong sabi nya
"Hahaha.. oo eh, pinitik mo kasi ilong ko Rain..." hirap kong sabi dahil sa tube na nakapasok sa bibig ko.
"Y-yung nurse.. tumawag tayo ng nurse!" pagbabalik katauhan na kaninag wala sa kaluluwang si Trixy at umalis.
"Yuuki!" Sigaw ni Lyne at hinug ako
"Ate!" sigaw naman ni ella at hinug din ako, di ko alam pano sila nagkasya
"Yuuks!" Hinawakan ni kuya ang kamay ko at tinadtad ito ng halik
Si rain naman nagwhisper ng "Welcome back" at ngumiti
Dumating naman ang nurse kasama si Trixy at chineck ako.
***
Nagpaalam muna sakin si Kuya, aalis daw muna sya kasi may trabaho pa sya. Hinug nya ako ng super hug bago ako hinalikan sa noo. Sumunod naman si Trixy sa kuya ko.
Umalis na sina si Lyne at Ella, pinapauwi na daw sila since malapit na gumabi.
Si Rain naman, sinabing aalis na sya kasi trip nya lang, babalik din daw sya, walang hiyang lalaking yun.
BINABASA MO ANG
The Childish and the Heartbroken
SpiritualWala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mund...