_-3-_ ---> Its a brand new day.

94 2 1
                                    

So yeah, nandito na ulit kami sa room namin, double deck naman ang kwarto, si kuya sa taas, ako sa baba. Ang nakakainis lang pag gagalaw si kuya sa taas nayayanig ang baba.

Binaba na ni kuya  ang dala niyang pagkain galing kina tito at hinanda ko na ang mga pinggan at kung ano pa. At kumain na kami.

"So Yuuki, bukas na ang start ng klase mo dahil sa biglaang paglipat natin, sana makahabol ka, 3rd quarter ka na papasok eh,"

"Kuya, ako ang pinakagenius sa lahat ng genius! Syempre manok chicken lang yan sakin! Watch me."

"Sus, nek nek mo, sinusuhulan mo lang mga guro doon sa school mo dati kaya ganun."

Nagpout nalang ako, bad ni kuya. Eh sa matalino ako eh! Bakit ba?! Nagchika  chika lang kami ni kuya tapos siya na nag hugas, prinsesa niya ako eh,

Nahiga na ako sa kama at kinuha ang "Diary" kuno ko. Nagd-daiary po ako! Yess, pero hindi ung malahistory ng buhay ko na may dates,  ang linalagay ko lang dun is kung may naisip akong napagaralan ko today,

" Home,, a place were there is warmth."

Ganun lang at sinara ko na at natulog.

^0^0^0^0^

Nagising ulit ako sa kalagitnaan ng gabi, Napahawak ako sa mga pisngi ko, tssk, basa ulit.

Di ko din alam kung bakit ganito, tuwing gabi magigising akong umiiyak.

 Di ko maintindihan, pero, naiiyak parin ako, di ko alam kung bakit pero gusto ng mga mata kong umiyak, tuwing gabi ito, walang exact time basta madilim.

 Di ko maintindihan, bakit? Bakit umiiyak ako tuwing gabi, sakit ba to? Pero pag umaraw na ang saya saya ko ulit.

Wierd. Humihikbi lang ako ng mahina, baka magising ko si kuya. At di ako nagkamali, nakatayo na siya sa harap ko.

"K-kuya..." Yinakap niya ako at hinimas ang ulo ko.

"Kuya, bakit ako umiiyak?"

"Shhh, shh, wala yan, halika higa tayo," Umayos kami at nakahug parin si kuya sakin.

"*hik, kuya, bakit di ko maintindihan? Bakit ako umiiyak?"

"Shhh, yaan mo na baby ko, sige na sleep na tayo ha?" Pumikit nalang ako, hanggan sa nakatulog na ako ng tuluyan na nakayakap kay kuya.

***

*chirp *chirp

"Wake up in the mornin' feelin' like P- Diddy..."   Whoo!~ Yes new morning new day! Its a brand new day!

 Hyper gid. Lol.

Sinabayan ko na ang kanta habang nakembot papuntang banyo para maligo. Binuksan ko na ung Host at binasa ko sa katawan ko

O___O

SHITTT ANG LAMMIGGG Para mawala ang lamig, hataw pa yuuki hataw pa!

"Don't stop, make it pop DJ, blow my speakers up Tonight, Im'ma fighT Till we see the sunlight TiK ToK, on the clock But the party don't stop no Woah-oh oh oh Woah-oh oh oh!"

Yeah baybe!

Nagpalit na ako sa loob ng banyo at  lumabas na fresh na fresh, Naks!

"Heyow kuya!"

"Sakit sa tenga Yuuki." 

"Aba! Sa Gwapo ng boses ko masakit?! Patuli ka nga kuya! May defects na tenga mo!"

Natawa lang sya at bumalik sa pag piprito ng hot dog. Kumain kami at nagpaalam na ako kay kuya at tsaka umalis.

"Humm hmm hmm!" Yes naghuhum ulit ang gwapong ako para masaya.  Good vibes lemme feel ya! Ohh yeah! Lakad lang ako ng lakad papuntang school.

Nasaharap ko na tong privateschool nato, ako pumili nito, nakapasok ako ng fullscholarship eh, so grab the chance na. Pero magpapaka P.A. ako sa mga teachers. Pero okay lang gora lang. Alam ko rin naman ang pasikot sikot nito, syempre tinour ako, pero di sa pagmamayabang malakas memorya ko eh.

Sa lakas ng memorya ko, waaah asan na ako??!!

Ayun may lalaki!  "Ui Lalaking nakapolong checkered!'' Nalingon sya sakin. Hanep, kay gwapong nilalang.

 Ngumiti sya, "Bakit?"

 "Asan po dito yung Section 1 third year???" with charming smile para maging nice sya sakin.

 "Ah, new ka? Third quarter na ah?"

 "Opo! Natripan ni Kuyang lumipat ako dito eh! ^^" Mukhang magkakaron akong new friend dito ah. Yey!

"Sige, halika samahan kita."

"Whieee~ Thank you po kuya!!" Naglakad na kami, 

"So ano pong pangalan niyo kuya???"

"Lyne. Ikaw?"

"Yuuki here! Hello Kuya Lyne!"

"Actually ikaw nga ang dapat na trinatawag na ate eh."

 "Hala?! Mas matanda ako sayo??? Waah!!! Hello Ate Yuuki nga pala dito! Anong year ka na?"

"Second year palang, ikaw ate?"

"Third. Waah di ako sanay na inaate ako eh."

"Sige, Yuuki. Oh andito na room mo.'

"Thank you Lyne! Babye!" Nice start for this day. Yey! Inopen ko na ang room, what?! Late ako?!

"Sorry Ma'am late ako!" Tas nagbow ako. Natawa naman ang lahat. Hala bakit?!

 "Di ka pa late hija, maaga lang talaga ako." Pahiya naman ako dun.

 "Sorry po, eto po transfer slip ko po."

"Okay, welcome to my class.. Ms. Asashina." Nagshy smile nalang ako at naupo sa vacant seat. Whooo~ mukhang may kanya kanyang circle of friend na sila ah, haaay, Keri lang Yuuki! You can do this!

"My seat." May nagsalita sa harap ko, hala?! Naku yuuki! Di pala vacant to! Tumayo nalang ako at nag bow, "S-sorry" Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko.

Napatingin ako sa kanya. *Q* g-gwqapo, Hala! Di to maaari! Ako lang dapat pinaka gwapo sa lahat ng mga gwapo! Di ako magpapatalo!

"Why?" tanong niya

"Huh?"

"Why are you staring?"

"Because."

"Huh?"

"You are more handsome than me." Napabitaw siya sa braso ko at dinuro ako.

"Lesbian!" Napatingin naman ang iba sa skandalosong taong ito.

 O.o Ano daw??? Lesbian?! Sa GWAPO KONG ITO?! LESBIAN?!

 "You are a lesbian!" Ulit niya.

Natawa nalang ako, kasi mukhang diring diri sya sakin.

"What the f is funny woman?!"

"Kasi."

"Huh?"

"Wala lang, masyado kang mahilig sa tamang hinala."

"But you said you are handsome?!"

"Eh kasi po, pag ginawa akong lalaki ng diyos, panigurado, ako ang PINAKA GWAPONG nilalang sa buong mundo! *Inikot ang 2 kamay na nagdedescribe sa round earth* Swinerte ka lang at naging babae ako."

"Pffft...."

O__o?

"Ha..ha.. ha, Wahahaha!!!" Humalakhak siya at yung ibang mga kaklase ay natawa at ung iba nagulat.

"Bakit?" ako

"You are so conceited." Ngumiti sya sakin at naupo na sa pinagupuan ko kanina.Anyare? Bat di ko gets???

***

Nagsimula na ang class. At dahil walang vacant seats pinakuha ng isang estudyante ni sir ako ng upuan at inilagay sa dulo, malapit sa window. Ang clasroom na ito, ang school nato,

Bat andaming mas gwapo sakin???

Unfair!

The Childish and the HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon