_-15-_ ---> Treasured day

55 2 0
                                    

"Yuuki!" hinanap ko kung sino yung tumawag sakin.

"Snowieee!! ^0^/"

"Sama ka sakin!"

"May klase pa tayo?"

"Cutting!"

"EH?!"

Ngumiti lang sya at dinala ako sa motor nya.

"San tayo punta?"

"Basta kapit ka lang,"

sinuot ko ung helmet at kumapit sa kanya.

minsan di ko maintindihan takbo ng utak nito, mali, madalas pala. -,-

***

"Dito na!" masayang sabi ni snow, bumaba ako, "Nge? Ilog?" magandang lugar, ung puro puno, mga bato, at grass tapos may ilog.

"Yup, mamimingwit tayo!" parang batang sinabi ni Snow.

*Q*

"Yay!!!" sigaw ko at umupo ako sa may malaking bato. "Kaya pala may dala kang mga wierd na yan sa likod ng motor mo. ^^"

ngumiti lang sya at ginulo buhok ko. Inayos nya ang mga pamingwit. Binigay nya sakin ang isa. Tinapon ko ang bait ko ng malakas. pero di naman nahulog sa kalayuan.

etong si snow walang effort na tinapon  ang bait nya pero masmalayo sakanya.

well experienced tong batang to. -,-

tahimik lang kami,

komportable na katahimikan.

"Yuuks,"

"Hmmm?"

"Ano ka nung bata ka?"

"Eh? Syempre bata. "

"Mga lalaki halos mga kaibigan mo no?"

ngumiti lang ako.

"Nah, never ako nagkaroon ng kaibigan. Pero kung kasali ung batang iyakin na yun, pwede na."

"Iyakin?"

"Yup, pinagaral ng grandmama ko ung bata na yun, kapalit magtratrabaho sya sa malaking restaurant nila."

"Maganda naman buhay nya ah?"

"Well, dati di naman super laki restaurant nina grandmama, madalas pinapalo sya dun,  at mas grabe ung utos sakanya kahit maraming empleyado."

"Pano mo sya naging kaibigan?"

"Nagtratrabaho din ako kina grandmama."

"Nge?"

"Yup, yun nga lang ako walang sweldo, sya meron."

"Pano kayo naging magkaibigan?"

"Hmm, inaako ko mga kasalanan niya."

"Huh?"

"Yup, naisip ko noon, kapag ako ung napapalo okay lang at least ako ung nasasaktan di sya. Okay lang kung ako ung magtitiis"

"Ano naman reaction nya?"

"Hmm, iiyak lang sya at magsosorry ng ilang milyong beses, masakit nga sa tenga eh, haha."

"Ang duwag nya."

"Wag mo nga yang sabihin. Siya may dahilan kung bakit nandito ako ngayon."

"Huh?"

"Siya ang dahilan, bat gusto kong mabuhay. Gusto ko syang makita, sya nagbigay sakin ng mga pangarap, madami syang nabigay saking magandang pangaral kahit kasing edad ko lang sya."

The Childish and the HeartbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon