"Waaah kapagod" reklamo ko ng umupo ako sa dulo ng rooftop
Kakatapos lang namin maggala ni Rain at inabutan na kami ng gabi. Nandito kami ngayon sa rooftop ng kung ano mang building to. Natripan ko lang.
"You realized that just now?" Taas kilay na tanong ni Rain sakin at umupo sa tabi ko. Siya pinadala ko ng mga prizes na pinalanunan namin at mga pagkaing pinagtututuro ko. Spoiled ata nya ako ngayon.
"Ehehe, penge nyan!" Masayang aabi ko at inagaw ang styro na puno ng spagetti
"Here, fork." Abot sakin ni Rain. Tinaggap ko ug tinidor, kumuha si Rain ng softdrink in can at binuksan. Uminom sya ng konti at pinaligiran kami ng katahimikan habang inoobserba ang lugar. Puro building at makukulay na ilaw, mga sasakyang naguunahan sa kalsada, mga taong busy at nagmamadali makauwi sa kanikanilang mga bahay.
"What are you thinking?" Biglang tanong ni Rain. Tinignan ko sya at nakatingin sya sakin. Ang ganda ng mga mata nya, kumikislap dahil sa mga ilaw na nakapaligid.
Nginitian ko sya at tumingi sa langit. "Naisip ko lang, napagiwanan kaya ako?"
"What do you mean?" Takang tanong ni Rain
Bumalik ang tingin ko sa baba, sa paligid na sobrang busy kahit gabi na.
"Alam kong di pa ako nakapagmove on sa mga nangyari sakin. Kung titignan masyado na yung matagal na nangyari. Di ko alam kung ung mga natatandaan ko totoo ba talaga o hindi. Kung titignan ko naman kasi ung mundo parang okay lang, parang nakamove on na sila. Parang ung mga tao di na nila nakikitang importante yun, at ako lang nagiisang nagiisip masyado."
Kumain ako ng spagetti at pinunasan ko ang bibig ko.
"Siguro nga ako lang. Ako lang ang napagiwanan. Ako lang ung nagiisip ng nakaraan. Ako lang."
Tinignan ko si Rain at concentrated na nakatitig sakin.
"Haay, makakapagmove on din ako at di na magiging sentimental balang araw." Ngumiti ako at inagaw ung iniinom nyang softdrinks at inubos yun.
"Baliw." Narinig kong bulong ni Rain
"Hmm?" Takang tanong ko
Tinignan nya ako ng masama at tumayo. Hinila nya ako ng malakas dajilan para mapatayo din ako sa kinauupuan ko. Honawakan nya ako sa magkabilang balikat ng mahigpit.
"Baliw ka ba?! Yu think you're alone?! Oo di tayo magkaparehas ng situwasyon but you're not the only one thinking of the past too, di lang ikaw ang tanging taong di makapagmove on sa mundong ito!" Sigaw nya sakin at marahas na pinaharap ako sa direksyon kung saan ang mga gusali at ang mga busy na mundo
Tinuro ni Rain ang isang dumadaan na babae sa kalsada "See her?! Bakit kilala mo ba yan? Ha? Are you sure she's living na walang kung ano mang pighati sa buhay nya na gusto nyang balikan at ayusin? O yun isang yun sa tingin mo perpekto buhay non?!"
Pinaharap nya ulit ako sa harapan nya at yinugyog
"Dont be fucking selfish! Di lang ikaw! Di lang ikaw ang may malungkot na nangyari sa buhay! You're not the only one in sorrows! Kaya wag mo sabihing ikaw lang!"
Tumingin ako kay Rain na hapong hapo kakasigaw sakin, ngumiti ako
"Alam ko, kaya nga tinanggal ko karapatan kong maging malungkot kasi alam ko, alam ko na hindi ako ang may pinakamalaking problema sa mundo, alam mo kung ano nangyari Rain?"
Huminga ako ng malalim dahil ayaw kong umiyak sa harapan niya.
"Rain, etong nasa harapan mo ngayon ang nangyari." Tumingin ako sa baba at naramdaman ko ang paghina ng katawan ko. "Rain, napagod na ako. Napagod na ako mabuhay."
Naramdaman ko ang marahas na yakap ni Rain sakin at napaupo kami sa sahig.
"Stupid. Anong napagod, you don't even know what it means to live."
***
Buhat ako ni Rain sa likuran nya habang naglalakad pauwi. Iniikot ikot ko ng marahan ang daliri ko sa tenga nya"Stop! It tickles!" Reklamo nya at iniwas nya ng konti ulo nya mula sakin
"Ehhhh" reklamo ko at hinagkan sya ng mahigpit
"Yu-yuuki, can't breathe"
"Ang bango mo Rain kahit isang buong araw tayong nasa labas. Anong sikreto mo?"
Nagsmirk sya sakin "Stupid, it's no secret, lumalabas lang ang amoy ng charisma ko."
Bumahing kunyari ako ng malakas "Anong amoy na yun? Masangsang, ang sangsang mo Rain!"
"Stupid. Kanina mabango ngayon masangsang."
Naglakad kami pauwi at ng makarating na kami sa bahay.
"Anong oras na? Huh?!" Binuksan ni kuya ang pintuan ng malakas at nakaget uo na parang gangster at may hawak na baseball bat na pinatong nya sa balikat nya.
"A-ahem uhm, goodnight!" Takot na paalammni Rain at tumakbo palayo ng sobrang bilis.
"At bat buhat buhat mo ung mahal kong kapatid huh?! Bumalik ka dito? Anong ginawa mo?! Huh?!" Sigaw ni kuya at tumakbo para habulin si Rain
Dear diary,
How does one person live to know she is living?
BINABASA MO ANG
The Childish and the Heartbroken
SpiritualWala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mund...