Sunday, Sunday ata ngayon? Pagkabukas may klase ulit, Pagkabukas mag aaral ulit,
may homeworks pa ako ngayon diba?
di ba pwedeng ung utak ko nalang ung magsulat? Ung iisipin ko langmung sagot tapos magiging magic biglang nalipat sa papel, di ba pwedeng ganun nalang? umupo ako mula sa pagkakahiga,
uggh, tuwing umaga pagbumabangon ako biglang sasakit ang ulo ko at namumuti ang paningin ko, pero nawawala naman siya after some seconds,
ganito din kaya lahat ng tao pag gumigising? baka ako lang? may sakit kaya ako? padoktor kaya ako?
pero wag nalang, baka wala naman akong sakit napagastos pa ako ng walang katuturan,
sayang din,
inayos ko na ang higaan ko at naupo sa sahig habang nakapikit ang mata, bat ganto? pagod na pagod ako ung super bigat na bigat ung katawan ko? eto yun eh, umaandar naman ng maayos ang utak ko, pero bat ung katawan ko? err, yaan na nga, -,-
pinagbigyan ko nalang ang katawan ko, nahiga ako sa masikip naming sahig, sarap,matigas pero malamig, pagnawawala ang lamig ng sahig iniikot ko ang katawan ko,paganun ganun lang,
"Bwahahaha! Yuuki anong ginagawa mo?"
napabukas ako ng mata, nasa higaan si kuya sa taas at tinitignan ako,
"Pangit mo kuya, tulungan mo nga ako,"
napapikit ako, kahit mata ko mabigat!
"Yuuki, okay ka lang?"
concerned voice ni kuya,
"Mabigat katawan ko kuya, tulong" mahina kong sabi,
hinawakan ni kuya ang forehead ko, "wala ka namang lagnat ah," binuhat ako ni kuya at linapag ng maayos sa kama ko, "kulang ka lang sa tulog yuuks, matulog ka ulit,"
"Hmmmm?" ang tanging nasabi ko, at nahulog ako sa malalim na malalim na tulog,
Paalam assignments...
"Waag po, please," hmm? may umiiyak, sino yun?
"Wala kang kwentang babae, eto na nga lang trabaho mo di mo pa magawa ng ayos! Hampas lupa! Malas ka! Malas!"
sabi ng ale katabi ang mga ilang ale, sino sila? kawawa naman ung bata, sinasabunutan siya mag isa, pinagkakaisahan ng matatanda,
'ano?'
'ano naging kasalanan ko?'
'bakit ako?'
'tulong...tulong,'
'pero wala namang pupunta dito,'
'siguro nga dapat, di nalang ako ipinanganak...'
'pagod na po ako, sana po patulugin nyo na po ako,'
'pagod na pagod na po ako papa Jesus,'
'Gusto ko na pong sumama sa inyo,'
'papa Jesus, kunin nyo na po ako, ayoko na po,'
lumaki ang mata ko, ang mga hikbi ng bata at mga iniisip ng bata, para bang narinig kong sinabi nya sakin,
Namulat ako ng mata,
sabay noon tumulo ang isang luha sa mata ko, umupo ako sa pagkakahiga,..ulit, masakit shit, ung gwapo kong ulo, nang naging maayos na ang pakiramdam ko tumayo ako,
BINABASA MO ANG
The Childish and the Heartbroken
SpiritualWala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mund...