Ngayong araw na ang school festival, busyng busy ang lahat, ako naman walang tigil sa pagkanta,
"O sya lunch break na guys! Kuhain nyo nalang share nyo dun sa kusina!" masayang sigaw na nagmamantikang si vice president josel.
umupo ako sa isa sa mga lamesa, baaah, dapat vip ako eh! Manhid na katawan at boses ko!!!
"Here." sabay lapag ng mabangong pagkain. Liningon ko kung sino man ang busilak na taong hinandugan ako ng grasya. "Raaiiiin!!" todo ngiti ako.
"Shut up." umupo sya sa tabi ko may pagkain din syang para sakanya.
Sumubo ako, nang malasahan ko na, biglang nagsipagpoof ung mga bulaklak sa katawan ko at may kumanta ng 'Hallelujah~'
"Heaven Rain..." dreamy kong sabi at dinikit ang mga kamay ko sa dibdib ko tsaka dahan dahan nagsigh. Tumawa ng malakas si rain, nagtinginan samin ung mga tao sa loob, halos mga kaklase namin,
"Ayieeee~"
"Yun oh!"
"Kyaaaah! Development! Development guys!"
nagsipag tilian at sigawan mga kaklase namin. "Tsk." sumeryoso ulit si Rain at bumalik na sa pagkain. ngumiti lang ako at kumain din. "By the way, nice voice, you can go sing in some morgue."
nag 'o' face ako. "Morge ka dyan! Ibaon kita sa lupa eh!" nginitian lang ako ni Rain, nagusap pa kami habang kumain nang may biglang gitarang tumunog mula sa pintuan ng classroom, may nakashades na lalaki at lumapit sa isa sa mga customer naming babae na kumakain kasama ang isang lalaki.
"Sa iyong ngiti,
Ako'y na huhumali,
at sa tuwing ikaw ay gagalaw,
ang mundo ko'y tumitigil,
Para lang sayo,
Pagibig ng aking puso,
Sana ay mapansin mo din,
ang lihim kong pagtingin,"
Ngumiti ung lalaki at lumuhod sa harap ng babae mula saý likod nya linabas nya ang tatlo nyang rosas na nakatago,
"Pwede ba kitang ligawan? Rose?"
"Ayieeee~"
"Yun oh!"
"Kyaaaah! Development! Development guys!" tili at sigaw ulit ng mga nasa loob,
"Waaaaw~ May mga lalaki pa palang korni," comment ko na ang tanging nakarinig lang ay si Rain.
"What are you saying? Life is Corny, stupid."
"Huh? Pano naman naging corny ang buhay?!"
"You'll never understand, your stupid."
"Suuuuure! Psh!"
"By the way, I heard you from Cassy."
kumunot noo ko, " sinong cassy?"
"Casper, uh, cass." napapikit ako ng mata, sumakit ng konti ung utak ko. "Ah." tanging sagot ko.
"Childhood friends huh? Cliché. "
"Huh?"
"Huh?"
"Childhood...friends?"
"Uh... that's what he said."
"Talaga?" Childhood friends? Meron pala ako nun? "Rain, sa totoo lang di ko un kila-" at naalala ko bigla, tama, may naalala akong nakwento ko kay Snow, may kaibigan ako noon, tama! Nung kasama ko si Snow bigla kong naalala at bigla kong nakalimutan.
"Uh... never mind, let's just eat." biglang sabi ni Rain at sumubo
Ngumiti ako at nag nod.
Bumalik na kami sa pagkain at nag usap ng iba't ibang topic hanggang sa naubos na namin ung pagkain at nagsipag balikan na kami sa mga trabahong inassign samin.
***
"Baaaaaaaah! Kapagod!" bigla kong reklamo, tapos na ang festival, naglilinis na mga kaklase ko, subukan lang nila sabihan akong tumulong, magwawala talaga ako.
"Masahe gusto mo?" sumilip ako sa nagsalita, pinitik ulit ulo ko ng konti,
tinignan ko lang ung kumausap sakin, si Cass,
"Whoa, cold." ngumiti sya sakin at umupo sa tabi ko. "So Yuy- Yuuki, bat ka pala nagkascar sa may bandang kilay mo?" tinutukoy nya ang mahaba na scar ko sa left eyebrow ko malapit sa ilong.
"Ganyan ang buhay minsan may peklat, minsan wala." walang gana kong sagot, ngumiti lang sya.
"Narinig ko galing yan sa kuya mo?"
tumayo isa kong kilay, "Alam naman pala eh,"
"Sinabi nya lang na kasalanan nya, pero di ko alam ano nangyari."
"Psh, bat pa aalamin? Sayang laway ko tsaka...."
"Tsaka?"
"Nah."
"Sabihin mo nga yuuki, tumatakbo ka ba?" todo ngiti ni Cass
"Hindi, kita mo oh nakaupo lang ako." sumeryoso ng tingin sakin si cass na para bang sinasabi nya na di na sya natutuwa. kumunot noo ko, "Cass, akin lang kung bat nagkaganito to, wala akong pagsasabihan, hindi sayo o kahit kanino, akin lang to."
"Tumatakbo ka nga."
"Hindi ah,"
"Sige nga ikwento mo?" kinagat ko labi ko, may parte sakin na ayoko sabihin, bakit? Kasi ano ewan, di ko alam, bat ba ayoko sabihin? Di ko alam, gusto ko itago, much more gusto kong kalimutan kung ano man.
"F-fine." nagsigh ako, "One day isang araw, natamaan ako ng isang malaking bato habang nakahiga ako sa isang puno., the end." masayang ngiti ko. tumaas isa nyang kilay, "Tumatakbo ka talaga ano?"
"Hindi. Ayoko lang ishare, selfish ako eh."
"Coward! Chicken! Bok bok bok!" tumawa ako at sumeryoso agad ako.
"Fine, itinali ako at pinagbababato ako ng bato habang kinagat ako ng mga pesteng langgam."
"Go on,"
"Itinali ako ni kuya, iyak ako ng iyak kasi masakit tapos---" aw aw aw... nagsisimula na ulit sumakit ulo ko.
"Tapos?"
"Uhhh, di ko maalala..." Uhhhh... Ano ba nangyari sakin nun? Naalala ko lang na masayang binabato ako ni kuya, hanggan sa maging duguan na ako, pero, bat parang may kulang? parang may nakalimutan ako. Pumugpog ulo ko ng medyo marahas.
"Isipin mo mabuti, sino, ano, bakit?"
Sino? Sino nambato at nagtali sakin? Si kuya at.... si kuya lang ba? ano? ano nangyari bat ako tinali? dahil bagong laro un ni kuya at......at......sino pa ung isa? Bakit? Bakit buhay pa ako? sino nagligtas sakin? huh? ano?
tama medyo naalala ko na,... may kasama si kuya, tapos....ano...huh? huh? ano ba dapat maalala ko?
"Yuuki?" tinignan ko sya tapos tumulo bigla isang butil ng luha ko.
sobrang pugpog na nararamdaman ko sa ulo ko,
at sa pagsubok ko tumayo biglang nagflash sakin ung mukha ko na puno ng benda tsaka may biglang sa loob ng ulo ko may bilog na napisa tapos sumabog ung loob na parang tubig sa lahat ng bahagi ng utak ko, tsaka na ako nawalan ng malay.
Ngayong araw na to...sa mismong araw na to, naintindihan ko na lahat,
mga takot ko, buhay ko, nakaraan ko, ang di ko malamang galit sa ama ko, si cass, at sarili ko, ang dahilan kung bat gustong gusto ko maghiganti ng walang rason sa grandmama ko at ibang tao,
tila sinabuyan ako ng malamig na tubig at nagsilabasan lahat lahat na nung bata ako ay ibinaon ko na sa pinakailalim ng utak ko.
bumalik lahat, lahat ng naramdaman ko noong bata ako, naramdaman ko ulit ang pinakadahilan ng pagsisisi ko sa buhay, si kuya.
BINABASA MO ANG
The Childish and the Heartbroken
SpiritualWala man sa mukha niya, wala man sa masiglang kilos niya, ay nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang maintindihan ang sarili, ang paligid. Wala man sa mukha niya ay sumusuko na siya, para sa siyang masayahin pero zombie na taong naglalakad sa mund...