#2

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Ano bang meron sa "butterflies in my stomach" at gustong-gusto na maranasan iyon ng karamihan sa mga babae?

Sabi nila nakakakilig raw 'yon sa pakiramdam, at mararamdaman mo lang 'yon kapag na-in love ka na. Ako? Sure akong hindi ko pa nararamdaman 'yon—hindi pa kasi ako nai-in love eh. At wala akong balak!

NBSB ako o no boyfriend since birth. Hindi ko pa naman nararanasang masaktan nang dahil sa lalake, pero ayoko talaga sa love! Naniniwala akong walang forever!

Kung nagtataka ka kung bakit gan'to ang mindset ko kahit wala pa naman akong experience, pwes dahil iyon sa karanasan ng mga tao sa paligid ko. Lahat ng taong kilala ko umiyak at nawasak na nang dahil sa love na 'yan. Kaya ayoko nalang i-try. Babantayan at aalagaan ko ang puso ko nang hindi ito mawasak katulad ng kanila.

#ilovemyself
#guardyourheart

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon