#21

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko…

It's been three months noong nagsimulang manligaw sa akin si Red. Parang dating gawi lang naman ang ginagawa namin: sabay kaming pumasok at sabay din kaming umuwi, nililibre niya  ako ng street food sa labas ng university, at gumagala kami sa mall sa malapit. Ang kaibahan lang ngayon, may flowers siyang binibigay. Araw-araw, palaging may isang tangkay ng rosas akong natatanggap mula sa kanya. Sabay din kaming mag-aral. Kapag nahihirapan ako sa isang subject, tinutulungan niya ako.

Paminsan-minsan, tumutulong din siya sa bahay. Kapag may kailangang ayusin, maraming bitbitin si Mama galing palengke, o may assignment ang mga kapatid ko.

Sabi nga nila mama, bakit hindi ko pa daw siya sagutin? But I'm taking my time. Pinapakiramdaman ko pa ang sarili ko kung handa na ba ako. At hindi naman ako ako pine-pressure ni Red na sagutin siya. Sabi nga niya sa akin noong isang araw na kaya raw niyang maghintay kahit gaano pa katagal, at kahit walang kasiguraduhan. Isipin ko nalang daw na ang ginagawa niya ay katulad lang ng dati, na ginagawa niya lahat 'yon kasi magkaibigan kami.

By the way, nandito pa din 'yong ex niya at ginugulo siya. Ilang beses na niya itong pinaliwanagan na wala nang sila, at hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan. Past is past ika nga. He offered her friendship, but Stella wants more than that.

Ayaw tumigil ng babae, she must have really love him. Pero mukhang naiinis na si Red sa pangungulit niya at pinapaalis niya ito tuwing bumibisita sa boarding house. Muntikan pa nga itong mapagtripan ng mga lasenggero sa kanto, buti nalang nakita ko agad.

Simula noon, hindi na siya pumupunta dito pero sa university naman niya kinukulit si Red. Minsan nga sumasabay siya sa amin mag-lunch o kaya mag-aral. Wala namang kaso sa akin 'yon, pero mukhang napipikon na si Red sa kanya. Sinabihan ko nalang si Red na kausapin nalang niya ng maayos, pero sabi niya ilang ulit na niyang ginawa 'yon.  Pinayuhan ko nalang siya na 'wag nalang pansinin.

#lovingmyself
#panliligaw

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon