#5

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Bakit may mga tao talagang hindi nadadala?

Binalikan na naman ni Mama si Papa. Sigurosasabihin mo na dapat matuwa ako kasi makukompleto na ulit ang pamilya namin, pero hindi ako masaya. Ang totoo niyan, I am disappointed.

Simula bata palang ako, parati nang nag-aaway sina mama. Minsan nga nagkakapisikalan na. And for a child na makakasaksi ng ganun, grabe na ang impact nun sa kanila.

Nagkaroon nalang ako ng dalawang kapatid—sina Lily at Sword, away parin nang away sila. Ang palagi nilang pinag-aawayan ay pera. See? Para lang sa pera halos magpatayan na sila. Eh paano ba naman kasi, si Papa hindi nagsusustento sa amin. Nauubos lang ang sweldo niya dahil marami siyang utang. At hindi siya umuutang para sa amin na pamilya niya, kung hindi para sa nanay niya. Minsan nga nagsusustento pa siya rito, pero kay Mama hindi. Kapag binibigyan niya naman si Mama ng sweldo niya… 'yong tira-tira nalang na hindi man lang umabot sa kalahati.

Imagine, tatlo kaming magkakapatid at pare-pareho pa kaming nag-aaral, tapos may mga gastusin pa sa bahay. Wala pa kaming boarding house noon at ang tanging trabaho ni Mama ay cashier sa mall.

Ilang beses ko na silang sinabihan na maghiwalay nalang, tutal mukhang wala naman nang pagmamahal sa relasyon nila. Pero pinapagalitan lang ako ni mama, at sinasabihang huwag sumawsaw sa mga matatanda. Madami pa raw akong pagdadaanan.

Noong grade 8 ako, naghiwalay na silang  mama. Sa wakas! Paano ba naman kasi nahuli niyang may babae si Papa. At ang malala, alam 'yon ng nanay ni Papa pero nagsawalang-kibo lamang at kinunsente ang anak.

Pero hindi iyon ang unang beses na nagloko ni Papa, kasi 2 years before nun, may babae rin siya, na bata ng 10 taon sa kanya. Pero pinatawad siya ni Mama para daw sa amin— para may kumpleto kaming pamilya. Hindi naman namin kailangan ng kumpletong pamilya, at mas lalong hindi namin siya kailangan! Galit na galit ako sa kanya.

After nun si Mama iyak nang iyak, hindi makakain at makatulog. Mabuti nalang at nandoon si Nanay Cielo, mama ni mama. Tinulungan niyang makabangon si Mama.

At ngayong maayos na kami, bumalik na naman siya, at tinganggap na naman ni Mama. Wala naman akong ibang magagawa kundi manahimik, kasi sure na papagalitan ako ni mama. Sabi niya nagbago na raw ito. Tss, hindi ako naniniwala. People don't change!! Especially those evil ones.

Binigyan na siya ni Mama ng second change noon, pero umulit parin siya. I believe that a second chance is already enough, but a third and a fourth? No.

There are people who truly deserves another chance, and there are people who don't.

#ilovemyself
#prayformamasheart

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon