#6

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Matagal na pala akong hindi nakakapagsulat sa 'yo. Wala namang masyadong ganap sa akin. Kahapon, may nagtangkang manligaw sa akin. Pumunta pa sa bahay namin at nangharana pa nga. Kaso hindi ko na siya pinapasok pa at sinabihan ko agad siya na, "I am not interested in love, and I'll never will. Thank you for liking me and for your effort, but I'm sorry because you've just wasted your time and energy. Tumigil ka na sa kung ano man ang balak mo. Maghanap ka nalang ng ibang babaeng pwede mong saktan," at pagkatapos noon ay pinagsarhan ko na siya ng pinto.

Last week naman, may intramurals sa university. Nagkalaban pa nga kami ni Red sa debate. Tiga-engineering pala siya. Tapos ayun sila ang nanalo.

Alam mo ba? Okay naman pala si Red, 'yong lalakeng nagpaiyak ng dalawang babae sa isang araw lang. Dalawang buwan na siyang nagbo-board sa amin.

Minsan nagkakausap kami, kasi minsan kapag may kailangan siya tapos wala si mama ako ang sumasagot. Okay naman na kami. Civil kami sa isa't isa.

Ang totoo niyan tinanong ko siya tungkol sa araw na 'yon— medyo close na kasi kami. Sabi niya 'yong sa plaza raw ex niya. Nakikipagbalikan daw ito sa kanya matapos hiniwalayan ng boyfriend nito, na ka-two-time pala nito noong sila pa.

'Yong sa mall naman girlfriend niya na ex niya na ngayon. Paano naman kasi, nahuli niyang may boyfriend na pala ito before pa maging sila— in short, ginawa siyang kabet. At ayun na nga nabuko noong original na boyfriend, tapos nagkasuntukan pa nga raw sila nun. Galit na galit siya sa babae.

Tinanong ko siya kung nasaktan ba siya, sabi naman niya na hindi. Sabi niya galit siya sa babae kasi ginawa siya nitong kabet, pero hindi naman talaga siya nasaktan. Aniya, he didn't really loved the girl and he wasn't really attached. Well 3 weeks lang naman relasyon nila. At dagdag niya pa, he was only using her para tumigil na ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. My god! Naloka ako!

Sometimes, people will tend to use others for their own good. It does sound selfish, pero that is how people are. They do that to survive.

After nun bumalik na siya sa boarding house. Natutunaw na kasi 'yong yelo na binili niya sa amin.

Ang totoo niyan, I learned something from what happened. You shouldn't really judge without knowing the whole story. Pero bad parin siya kasi nanggagamit siya, pero bad rin ang mga girls kasi ginawa nilang rebound at kabit si Red.

#ilovemyself
#bawaljudgemental

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon