#1

2 0 0
                                    

Dear Diary,

Bakit marami pa rin ang pumipiling umibig kahit nasasaktan lang rin naman sila? 'Yong iba nga immune na ata sa sakit dahil sa paulit-ulit na silang winawasak at iniiwan. Mukhang ginagawang hobby na nga rin ng iba ang magpaloko.

But I can't judge them. Choice nila 'yon, at malaki na rin sila. If they chose to love kahit iiwan ka rin lang naman sa huli, edi go sa kanila.

Pero ako, ayoko sa love!

For me, it is only a waste of time and energy. Ibibigay mo ang lahat sa taong mahal mo, sa puntong halos wala ka nang ititira sa sarili mo. Maglalaan ka ng oras, pagsisilbihan mo— kung pwedeng i-alay mo nalang ang buhay mo gagawin mo. Sila ang magiging mundo mo. Pero sa huli, uuwi ka lang na luhaan.

Kaya ko naman na mahalin at alagaan ang sarili ko. Hindi ko na kailangan hanapin 'yon sa iba. Saka you can find love from your family and friends. Hindi mo na kailangan ng taong wala naman kasiguraduhang susuklian ka ng pagmamahal at mananatili sa tabi mo.

#ilovemyself
#allergicsalove

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon