#11

1 0 0
                                    

Dear Diary,

May girlfriend na naman si Prince, best friend ko. Niligawan niya raw ito ng dalawang buwan. Grabe rin ang effort at patience niya.

Tiga-tourism 'yong babae. 3rd year. Mas matanda sa amin ng isang taon. Sana naman magtagal sila nito. 'Yong last niya kasing ex 1 month lang.

Bilib rin talaga ako kay Prince. Ilang beses nang winasak, hindi parin nadadala. Kailan kaya siya magi-give up sa love? Ginagawa lang naman siyang laruan ng mga babae eh.

Kung ako ang masusunod? Ayoko nang makipagrelasyon pa siya. Paano ba naman kasi, simula high school sinasaktan na siya ng mga babaeng 'yan. Pero sino ba naman ako para diktahan siya? Hindi naman niya ako nanay. Ang tanging magagawa ko lang bilang kaibigan ay suportahan siya sa relasyon na papasukin niya, at damayan siya kapag na-broken siya.

By the way, midterms na naman. Kailangan ko na namang mag-aral ng mabuti. Jusko! Hinanda ko na ang sarili ko sa cramming at all nighters. Nag-grocery rin pala ako noong isang araw. Bumili ako ng sangkatutak na kape, chocolates at nuts.

Nag-advance study ako sa mga subject na madali lang para sa akin noong isang linggo. Gusto ko sanang sabay kaming mag-study ni Prince, kaso lang may boyfriend duties na siya at baka raw magselos girlfriend niya.

Pero noong nagpunta akong library, nakita ko si Red at kami na nga ang palaging magkasama tuwing nag-aaral. Minsan pumupunta rin siya sa bahay, lalo na kapag nagpapaturo ako sa Math.

Lord tulungan mo po ako. Sana malampasan ko ang midterms nang buhay.

#istilllovemyself
#studystudystudy

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon