#20

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Is it time to let myself try love again?

Sabay kaming nag-enroll ni Red. Graduating na siya, samantalang ako 3rd year palang.

Sabi niya, after graduation maghahanda siya para sa licensure exam. Kapag nakapasa siya, edi good. Mas mapapadali ang pagtatrabago niya. Kapag hindi naman, try niya mag-apply sa mga private na kumpanya o maghahanap siya ng pwede niyang trabaho habang naghahanda siya sa susunod na exam.  Nakaplano na lahat ng gagawin niya after graduation.

Well ako, kapag naka-graduate na ako, paghahandaan ko rin ang bar exam. Kapag hindi naman nakapasa, gagaya ako kay Red. Mag-aaply ako sa mga kumpanya o bangko. Siguro, magta-try rin akong magtake ng Civil Service.

Accountancy nga pala course ko. Kung iniisip mo na magaling ako sa math, well hindi. Ang gusto ko talagang kunin na course ay psychology. Balak kong maging psychiatrist, psychologist, o lawyer. Depende na sa mood ko kung alin sana doon, vasta psychology ang course ko. Pero, sa realidad na meron ako, kailangan mauna ng practicality. Hindi naman kami mayaman. Mahabang proseso ang kailangan para maabot ko ang isa sa mga iyon, pero gusto kong makapagtrabaho agad para makatulong kay mama.

Libre ang mangarap, pero mahirap abutin ang pangarap. In this reality, practicality always win.

Pagpasok namin sa university, nakita namin si Stella, 'yong ex niya. Mukhang hindi nito alam kung saan pupunta. Nang makita kami, sumama nalang ito sa amin. Mage-enroll din siya.

Ang awkward habang naglalakad kami. Bali pinagigitnaan kasi namin si Red. Tapos nagta-try siyang pag-usapan ang tungkol sa kanila. Hay naku! Para akong third wheel.

Pagkatapos namin mag-enroll ay umuwi naman agad siya, habang kami ni Red ay kumain muna sa isang korean restaurant. At doon na nga nangyari!

Noong patapos na kasi kami kumain, patingin-tingin sa akin si Red tapos bubuka ang bibig niya at isasarado naman niya ulit. Paulit-ulit niyang ginagawa 'yon, parang may gusto sabihin.

Nang mairita ako sa pasulyap-sulyap niya, tinanong ko siya. "May sasabihin ka?"

Napaayos siya ng upo at biglang napainom ng tubig. Apakatensyunado niya, parang nililitis siya. Bumuka ang bibig niya at sinarado niya ulit ito.

"Ano ba kasi 'yon?"
"Gusto kita, matagal na."

Nagsabay pa nga kami sa pagsasalita. Tapos ano raw sinabi niya? Ha!? Alam ko naman, pero umamin siya! Hindi ko alam gagawin ko.

"Wala kang dapat sabihin," sabi niya. Buti nalang. "Gusto ko lang sabihin na matagal na kitang gusto. Ayoko na 'tong ilihim, since wala namang sekreto ang hindi nabubunyag. Sabi rin ni Miggs, I should tell you my feelings daw."

Napainom ako ng tubig. Namumula rin ang tenga niya, siguro nahihiya siya. Ako? Ewan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"And Kiss, I want to court you."

Nanlaki ang mga mata ko! Ano daw!? Pero okay naman na ako ngayon, matagal nang naghilom ang mga sugat ko sa kay Prince. Pero hindi ko alam kung ready akong mag-try ulit. Isa pang inaalala ko, paano 'yong friendship namin, tapos baka sinasabi niya lang 'yon kasi nandito ex niya.

"Hindi ako nagpapaalam, pinapaalam ko lang sa 'yo. Matagal na kitang gustong ligawan, kaso lang natotorpe ako, tapos dumating pa 'yong Prince. Nasaktan ka, at medyo matagal rin bago ka naghilom ng tuluyan. Hindi ko alam kung handa ka na ba, but I want to try Kiss. Ayokong magsisi sa huli na hindi kita niligawan. At kung iniisip mo na sinasabi ko 'to dahil kay Stella— she is out of this. Matagal nang walang kami, at wala na rin akong nararamdaman kahit kaunti para sa kanya. Gusto talaga kita. Kung gusto mo namang maging friends lang tayo— tatanggapin ko, but let me have a chance to prove myself to you," mabilis niyang sabi. Para siyang nagra-rap. Pwede na nga siyang sumunod kay Gloc 9.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Na-shookt ako.

"You can try. Pero Red, I don't know if may aasahan kang 'oo' sa huli. Sa totoo lang, hindi ko alam kung handa na ba ako, but I am not closing my heart." Yun lang ang tanging nasabi ko.

Umuwi naman kami pagkatapos. Parang balik lang sa dati, pero may nag-iba. Hinatid niya ako sa pintuan ng bahay namin, as usual at nag 'good night' din siya.

#ilovemyself
#confession

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon