#3

1 0 0
                                    

Dear Diary,

May chika ako. Alam mo ba? Kanina may nasaksihan ako.

Inutusan kasi ako ni Mama na pumunta ng mall at bumili ng art materials para sa project ng kapatid ko. Walking distance lang naman kaya nilakad ko nalang—sayang rin ang pera ko pamasahe. Papunta doon napadaan ako sa plaza dito sa amin, at doon may nasaksihan ako!

Sa gitna ng plaza, sa may munomento ni Rizal, may nakatayo na lalake at babae. Tapos binigyan ng bulaklak noong babae 'yong lalake. Alam mo ba kung ano ang ginawa nung lalake? Hindi niya tinanggap ang bulaklak noong babae. Mga ilang segundo ring nakalahad ang kamay ni ate girl— sure ako nangalay siya.

May sinabi ng kaunti 'yong lalake, tapos si babae naluluha na at nagsimula na ngang umiyak. Nabitawan nito ang hawak na bulaklak— sayang lang ang ginastos niya doon. Nagsalita rin si ate girl pero tinitigan lang siya ng lalake. Hinawakan nito ang kamay ni guy, pero tinanggal lang rin nito at iniwan siya doon na luhaan.

Napailing nalang ako. Sana naman mabilissiyang maka-move on. Hindi worth it iyakan ang mga taong ganun.

Pero alam mo ba kung ano pa ang mas nakakaloka? Nakita ko na naman si guy. May kasamang ibang babae.

Kakalabas ko lang ng National Bookstore nun. Nakita ko agad siya sa isang restaurant sa tapat lang ng store. May kausap siyang babae at magkaharap silang dalawa.

Ilang minuto lang, umiyak na ang babae at napaluhod pa nga sa sahig. Habang 'yong lalake, tuloy-tuloy lang ang lakad palabas. Ako nalang ang naaawa para sa babae.

Ang sama nung lalakeng 'yon. Dalawang babae ang pinaiyak sa isang araw. Hayst! Unbelievable!

Bakit kaya may mga taong parang ang dali-dali lang sa kanila ang manakit ng kapwa? Parang ginagawa nga rin nilang hobby 'yon. Nakakaramdam ba sila ng satisfaction kapag ginagawa nila 'yon?

#ilovemyself
#nakakainis

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon