#14

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Should I give love a chance?

Walang pasok, kaya niyaya ako ni Prince na gumala. Nagpunta kami sa isang theme park. Marami kaming sinakyan na rides at nag-try din kami ng mga games nila doon, hindi nga lang nananalo, pero okay lang. Enjoy na enjoy talaga ako.

Kinagabihan noong gabing iyon, habang pauwi kami, bigla akong napaisip. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong siya. "Prince, ba't mo to ginagawa? Anong nagbago? Bakit ganito na ang trato mo? Naguguluhan lang kasi ako."

Nginitian niya ako. "Siguro nga may nagbago. Pero ako? Gusto ko 'tong ginagawa ko. Masaya ako kapag kasama ka," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Hindi naman kailangan lahat may rason Kiss. Gusto ko itong ginagawa ko, at wala naman sigurong masama 'di ba?" Dagdag niya pa.

Tinitigan niya ako sa mata. Naramdaman ko na naman 'yong kumikibot-kibot sa tiyan ko. Papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko. Hanggang sa nagtagpo na nga ang mga labi namin. Napapikit ako at hinalikan siya pabalik.

Subalit, napatigil kami nang may marinig na boses sa likod.

Doon nakatayo si Chie, 'yong recent ex niya. Hinarap niya ito, at tila may dumaang sakit sa mga mata niya.

Mugto ang mata ng babae, halatang kakaiyak lang. "Hi. Nandito ka pala," sabi sa kanya ni Prince.  Pabalik-balik ang tingin nito sa amin at biglang tumakbo papalayo.

Nabigla naman ako nang tila hahabulin siya ni Prince. Hinawakan ko ito sa kamay, kaya napatigil ito at tumingin sa akin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at ngumiti.

Nagpatuloy kami sa pagsakay ng mga rides at kumain din kami sa isang restaurant sa loob ng theme park.

Pagkatapos noon, umuwi na agad kami.

Hinatid niya parin ako sa pintuan ng bahay namin, at hinalikan muna ako sa noo bago umalis.

#stilllovingmyself
#nohashtag

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon