#24

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Ang daming ganap sa mga araw na nakalipas. Nasaktan ako, and now I am currently healing from that pain.

A week after Red ditched me, tumawag sa akin si Ate Violet. Hindi naman pala talaga ako tama sa konklusyon ko. He didn't ditched me and chose Stella. Nabangga siya noong araw na 'yon, which is much worse.

Sa libing na niya ako nakapunta. Ang totoong nangyari, pumunta si Stella sa boarding house pero tinaboy niya ito. Kaso lang biglang nahimatay ang babae kaya dinala niya ito sa ospital, at dahil malapit lang sa kanila ang ospital na pinagdalhan niya kay Stella, pumunta muna siya doon para hiramin ang kotse ni Ate Violet kasi yayayain niya raw sana akong mag-date sa isang restaurant kung saan siya gumawa ng reservation.

Pero on the way papuntang meeting place namin, may nagbanggaan. Iniwasan niya iyon kaya nabangga siya sa isangposte ng kuryente. He didn't make it sa ospital— dead on arrival.

Sobrang sakit. Minsan napapasabi ako kay Lord na kung hindi siya ang para sa akin, sana naman hindi nalang siya kinuha sa amin. Ang dami pa niyang pangarap. Ang daming nagmamahal sa kanya. Madami pa kaming kailangan siya.

Sa burol, nandon si Stella. Inaway niya ako. Sabi niya kasalan ko raw ang lahat, kasi kung hindi ko pinapunta ng plaza si Red edi hindi sana siya maaaksidente. Sana kasama pa namin siya ngayon.

Pero hindi na niya na kailangang ipamukha sa akin na kasalanan ko, kasi kahit ako sinisisi ko ang sarili ko. How I wish I could turn back time. Baka kung hindi niya ako nakilala, mas magiging maganda ang kahahantungan niya.

Hindi lang taong mahal ko ang nawala sa akin, kundi pati kaibigan ko. Parati siyang nandyan at nangako siya na hindi niya ako iiwan, pero wala. Nauna na siyang umalis sa mundong 'to, leaving me shattered.

Hindi ako makakain at makatulog. Araw-gabi umiiyak ako. Nagsimula nang mag-alala sa akin sina Mama. Pero bigla kong naisip na kung nandito pa si Red, ayaw nun na nakikita akong ganto kaya pinilit kong bumangon. Tinulungan naman ako ni Mama at ng mga kapatid ko. Unti-unti nakakaya ko, pero masakit pa din.

Hanggang sa isang araw, niyaya ako ng pinsan ko na umuwi sa probinsya nina mama sa Mindanao. Magbabakasyon daw kasi sila doon. In-encourage naman ako ni Mama pumunta, baka daw makatulong ang sariwang hangin sa healing process ko.

At tama lang na sumama ako. Ang ganda dito. Sariwa ang hangin at maaliwalas angpaligid. Tahimik rin at magaganda ang tanawin. Pwede na akong tumira dito.

Ang paborito kong puntahan dito ay 'yong Rizal Park nila dito, malapit lang kasi sa bahay nina Auntie. Maraming puno doon, at sabi nila may mga unggoy daw doon. Sa lugar na iyon nanirahan ang ating pambansang bayani noong ipinatapon ito dito. Maraming puno sa lugar, at ang iba daw doon ay nasa 100 years old na daw. May sea wall din at doon ako parating nakaupo kapag gusto kong magmunimuni. Tamang tingin lang sa dagat para mawala ang mga iisipin.

Marunong na din akong magbisaya ng kaunti katulad "magbulag ra mo" na ang ibig sabihin ay "maghihiwalay rin kayo"— natutunan ko sa mga pinsan ko dito, at "wa ko kabalo" na ang kahulugan naman ay "hindi ko alam".

Dito na muna ako hanggang pasukan, nag-eenjoy pa ako dito eh.

Noong isang araw pala may pinadalang sulat sa akin si Ate Violet. Sulat daw 'yon ni Red para sa akin. Nakita sa isa sa mga gamit niya sa aksidente. Nakalimutan daw na ibigay 'yon ni Ate sa akin noong libing kaya ngayon niya pinadala.

Hindi ko naman napigilan na mapaiyak nang mabasa ko ang laman. Lalong lumala ang pagka-miss ko sa kanya. Habang binabasa ko 'yong sulat, parang naririnig ko ang boses niya. Sa sulat nakalagay ang point of view niya sa mga nangyari mula noong makilala niya ako.

Ngayon, hindi ko pa talaga masasabi na tuluyan na talaga akong naghilom. Bale, papunta palang ako doon.

Minsan hindi ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin. Noon, hindi ako naniniwala sa love at ayoko nun. Pero may mga tao na dumating para subukan ko ang pagmamahal. Now, kahit nasaktan ako ita-try ko padin, pero 'wag muna ngayon. Ang priority ko muna ay mahalin ang sarili ko. Ako muna, saka na ang iba.

Siya nga pala. Itatago na kita diary o baka iwanan kita dito. Marami kasing ganap at graduating na rin ako next year, baka wala na akong time na magsulat pa sa 'yo. Hindi na muna ako magsusulat— hindi ko rin tiyak kung magsusulat pa ba ako. Kaya paalam, hanggang sa muli.

#keeplovingmyself
#healing

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon