#4

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Nakita ko na naman 'yong guy kahapon. Akala ko may papaiyakin na naman siya, 'yon pala siya ang bagong boarder ni mama.

May boarding house kami, 'yong dating bahay ng tita ko. Nag-migrate na kasi sila sa Canada, tapos binili ni mama. Katapat lang naman 'yon ng bahay namin.

Red pala pangalan niya—nalaman ko kay mama. Same kami ng university napinapasukan, sa Saint Andrews University. At ayon kay mama, nagboard raw ito sa amin dahil malapit lang tapos mura pa.

Ngayon ko lang napansin, ang gwapo niya pala. Moreno siya tapos matangkad. Matangos ang ilong tapos ang ganda ng mata, kulay black. Mapula-pula ang medyo makapal nitong labi. Maganda rin ang katawan, mukhang may abs. Siguro feeling niya may karapatan siyang manakit ng babae kasi gwapo siya?

But not because you are good looking, you already have the rights to break someones heart. Pero kahit pangit naman ngayon nagpapaiyak na rin.

Kahit inis na inis ako sa kanya kahapon, hindi ko nalang siya pagtutuunan ng pansin, basta 'wag niya lang biktimahin mga mahal ko sa buhay.

#ilovemyself
#guardmyloveones

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon