#13

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Ang pusong nakasarado na sa pag-ibig ay may pag-asa pa bang tumibok?

Okay, magsimula tayo sa umpisa.

Kinabukasan, matapos noong halik, ayoko sanang pumasok. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko, sakaling magkita kami ni Prince. Syempre nakakailang 'yon. Magkaibigan kami tapos nag-kiss?

Pero baka naman wala lang 'yon sa kanya at nakalimutan na niya? At ako lang talaga itong nag-ooverthink.

Pumasok na ako sa University— magkasabay pa rin kami ni Red. Sa gate palang nakita ko na si Prince, mukhang may hinihintay. At nang nakita niya ako ay naglakad ito palapit sa amin.

Sasalubungin ko sana pero hinawakan ni Red ang braso ko. 'Yon ding isang 'yon, hindi ko maintindihan. Kasi pagkatapos noong nangyari parang palagi na siyang galit. Gosh!

Pero tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin at pinauna siya. Bumuntong-hininga muna siya at tinignan ng masama si Prince, bago siya umalis.

Ilang sandali pa nga kaming nagtitigan ni Prince, nagkakapaan kung sino ang mauunang magsalita. Sa huli, siya na ang nagsalita.

Sabi niya, "sorry for what happened yesterday. But Kiss, I wasn't really sorry that I did that, and I definitely don't regret it."

Huh? Ano daw!?

Saglit pa akong nakaramdam ng tensyon. Sinabi ko nalang na, "kalimutan nalang natin ang nangyari. Basta, friends pa rin tayo." Sabi ko at nagsimula nang maglakad papasok. Mabilis naman siyang humabol.

Buong araw, kami ang magkasama. Hinatid niya rin ako sa bahay.

Matapos nun, palagi na niya akong hinahatid sundo. Parati na nga kaming magkasama, parang noong elementary pa kasi, noong hindi pa siya nagkakanobya. Ang kaibahan lang, ngayon ginagawa niya sa akin ang hindi naman niya ginagawa dati. Madalas niya akong nililibre at niyayayang gumala, Inaalalayan niya akong umupo tuwing kakain kami, minsan hinahawakan niya pa nga ang kamay ko kamay ko kapag naglalakad kami. Parati niya ring sinasabing, ang ganda ko raw, ganito-ganyan. At tuwing ginagawa niya iyon, hindi ko mapigilan ang tibok ng puso ko. May sakit na yata ako.

Pero alam kong in denial lang ako. Alam kong nararamdaman ko 'yong sinasabi nilang kilig, kasunod na rin doon ang butterflies in my stomach. But I can't… I shouldn't fall in love with my best friend.

Paano kung wala lang pala ito sa kanya? Ako lang talaga 'yong… gan'to?

Paano kung masaktan lang ako? What if mahulog ako? Tapos there's no one to catch me? Kawawa naman ako.

#stilllovingmyself
#idk

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon