#8

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Mula noong gabing iyon, naging magkaibigan na kami ni Red. Kinabukasan, pagkatapos kong makipagbati kay Mama, inabangan ko siya sa labas ng boarding house. Ayun, nag-thank you ako sa kanya tapos sabay kaming pumasok.

Siguro naging magkaibigan din kami kasi naging feeling close ako sa kan'ya. Well sabay na kaming pumasok at umuwi. Minsan hinihintay niya pa ako sa labas ng building namin kapag nauuna silang ma-dismiss.

Paglabas naman namin sa university, nililibre niya muna ako ng kwek kwek, isaw, at kung ano pang street food sa mga sall sa labas bago kami umuwi.

Nagseselos na nga ang best friend kong si Prince kasi may bago na daw akong best friend. Pero hindi naman kami pwedeng magsabay umuwi kasi magkaiba ang way papunta ng mga bahay namin. Saka ang OA kung makapagselos, eh parati naman kaming magkasama sa university since pareho kami ng course.

So ayun na nga I found a new friend. Sana hindi siya tulad ng iba na sasaksakin lang ako patalikod. For now, i will give him 50% of my trust.

#stilllovemyself
#newfoundfriend

Yours truly,
Kiss

Diary ni Ms. AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon