Simula
After drawing my world, he erased it.. which only caused me to fall on my knees. Matapos niya akong lunurin, hinayaan na niya akong malunod mag-isa. Ni isang kamay niya ay hindi ako sinalo. Ni isang braso nito ay hindi ko naramdaman sa aking katawan, kagaya ng mga nakasanayan kong ginagawa na niya noon pa man.
But all of those things, they are all a lie. A complete lie.
Hindi lang pala ako ang ginagawan niya no'n. Hindi lang pala ako ang hinahawakan niya ng kamay. Hindi lang ako ang dinadala niya sa kung saan-saan. Hindi lang ako ang panalo sa puso niya.
Iginuhit niya ang mundo ko ngunit siya rin ang kusang bumura nito..
"Yaya, nasa'n po sina Mama at Papa?" Tanong ko sa katulong habang kumakain ng almusal.
I was just ten years old then. Ni isang beses ay hindi ko pa nakakasabay na kumain sina Mama at Papa. Hindi ko na din sila nakakamulatan kapag gumigising ako ng umaga dahil wala na sila sa mga oras na iyon. Mas inuuna pa nila ang trabaho nila..
Kaya naman ay naiiwan ako kay Yaya at kay Grayson. Kuya Grayson.
"Nasa trabaho na, Andrei," bumuntong-hininga si Yaya. "Bakit? May gusto ka bang sabihin sa kanila? Sabihin mo na lang at ako na ang magsasabi sa Mama mo.."
Bahagya akong sumimangot dahil sa narinig. Nasa trabaho na naman sila.
"Kailan po sila uuwi?"
"Mamaya pang gabi ang mga iyon siguro. Alam mo naman, masyado silang busy sa trabaho nila.."
"Bakit ang aga nilang aalis tapos ang tagal umuwi?" Hindi ko mapigilang tanong na malungkot lang na ikinangiti ng nagbabantay sa akin.
Lumapit ito sa akin at tinapik ng mahina ang aking ulo.
"Ganyan talaga kapag marami silang trabaho. Para rin naman sa inyo iyong ginagawa nila ng kapatid mo."
Lumapad ang ngiti ni Yaya ngunit hindi sa akin. Mas nadagdagan lamang ang lungkot na nararamdaman ko noong mga oras na iyon.
"Kailan po sila babalik?"
Sasagot na sana si Yaya ngunit mabilis na naunahan siya ni Grayson.
"Just eat, Andrei.."
Seryoso itong tumitig sa akin na ikinatango ko na lamang. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain habang si Grayson ay nasa harapan ko at prente lamang na nakaupo. Para siyang nabiyernes santo dahil hindi man lang siya ngumingiti.
"You look like a bulldog. A grumpy bulldog." kumento ko na ikinakunot lamang ng kaniyang noo. "Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa, Grayson."
Bahagyang nagsalubong ang kaniyang kilay.
"I'm older than you, Andrei."
"Okay," I said nonchalantly.
Mas sumama lang ang kaniyang tingin sa akin na lihim namang ikinangingiti ko. I love to tease him. Ang ganda niyang pagtawanan lalo na kapag naiinis na siya.
"Where are your manners, Andrei?!" dumagundong ang napakaseryoso niyang tinig sa aking pandinig. "Gusto mo bang paluin pa kita para magtanda ka?!"
"I will sue you," balik sagot ko na ikinaawang ng kaniyang mapupulang labi. Parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko. "Isusumbong din kita kina Mama at Papa."
"Then do it. I don't care.."
His voice is very serious back then. Ngunit kahit na ganoon pa iyon kaseryoso ay hindi parin kumukupas ang ganda nito. Lalo na nang mas tumanda pa kami at mas lumalim lamang iyon.

BINABASA MO ANG
And After We Fall
Teen FictionNEW CHAPTER SERIES 2 Hindi gaanong malapit ang loob ni Andrei sa kaniyang mga magulang dahil masyado silang busy sa trabaho. Kaya naman ay ang Kuya niya lang ang kaniyang kasama sa kanilang bahay kahit na ang totoo ay hindi naman sila masyadong nag...