Kabanata 6

2 0 0
                                        

Kabanata 6







My disastrous day ever.. Nakakatakot.. My mind is in complete chaos, partnering my heart that is thumping hardly.. I would never consider this day as a beautiful disaster. Kahit na kasama ko si Grayson, hindi kailanman magiging maganda ang araw ko na iyon. I would always remember this as one of my disastrous day.. The moment is sweet.. but the experience is detrimental.

Ang hirap huminga kahit noong nasa buhanginan na kami. Hindi kailanman naging panatag ang aking loob. He's been holding my hand since we left the water but my mind is still not in the right state right now.

Dala-dala ko pa rin ang ala-alang iyon. Sa tuwing sumasagi sa isipan ko na muntik na akong malunod ay mabilis na tumitibok ang aking puso..

I don't want to die yet. At kung mamamatay man ako, si Grayson ang isa sa pinaka-huling tao na aakalain kong tatapos sa buhay ko..

Not him..

Pero hindi. Siya ang bumitaw sa aking kamay. Hindi ko man alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon, pero wala na akong pakialam. Namumuo ang takot sa aking dibdib sa tuwing nasa tabi ko siya.

Hindi ko kayang salubungin ang kaniyang tingin. Hindi ko kayang sagutin ang kaniyang mga tanong. Hindi ko siya kayang kausapin. Hindi ko kayang magtagal sa tuwing kasama ko siya.

He gave me an intense fear. Takot na takot ang puso ko...

“A-andrei..”

Sa kauna-unahang pagkakataon, nanginig ang boses niya. He called me using his soft deep voice. Umamba pa siyang huliin ang aking kamay pero mabilis akong lumayo ng kaunti.

I flinched like he's going to hurt me.

“I'm s-sorry..” anito sa nagsusumamong tinig.

My eyes begin to water. Namumuo na naman ang takot sa aking dibdib. Nanginginig ang aking labi sa pagpipigil na 'wag umiyak. Pero trinatraydor parin ako ng aking mga luha. Kusang nalalaglag ang mga ito..

“H-hey.. A-andrei, I'm sorry..”

Lumapit siya sa akin pero lumayo parin ako.

Bumaba ang aking tingin sa kamay ko na nagsisimulang manginig. Suminghot pa ako nang hindi ko na kayang pigilan ang pag-iyak.

I bit my lower lip.

“A-ayoko pang m-mamatay..” nanghihinang iyak ko. “A-ayoko pang mamatay.. A-ayoko..”

Paulit-ulit akong umiling habang hindi parin makatingin sa kaniya. Ang bigat ng dibdib ko. Ang mga maiinit na luhang nalalaglag mula sa aking mata ang siyang mas nagpapasikip sa aking paghinga. Kinakapos ako ng hininga...

Mabilis na inokupa ni Grayson ang aming pagitan. Parang kidlat ang naging galaw niya nang pumwesto ito sa aking likuran, kinukulong ako sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hanggang sa niyakap niya ang aking nanginginig na katawan. Hinuli niya ang dalawa kong kamay at pinagsiklop iyon sa kaniya, sinisigurong hindi ako makapalag.

Mas napahagulgol ako. Pilit kong binabawi ang kamay ko pero hindi niya iyon binibitawan.

“I'm s-so sorry.. H-hindi ko sinadya..” bulong niya malapit sa tenga ko. Isinubsob pa nito ang kaniyang mukha sa gilid ng aking leeg. “Please.. forgive me, baby..”

“I h-hate you.. G-gago ka, Grayson! Ang s-sama-sama mo..”

I tried to get out from his grip but he never let me. Binigyan ko pa ng rahas ang kilos ko pero hindi man lang siya natinag.

Nagpumilit ako, baka sakaling makawala sa kaniya ngunit mas sumikip lang ang pagsapo niya sa aking katawan.. Mas napahagulgol ako dahil sa galit sa kaniya. I want to punch him. Gusto ko siyang suntukin ng paulit-ulit hanggang sa mapagtanto niya ang ginawa niya. Hanggang sa tuluyan na siyang matauhan..

And After We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon