Hello, kiddies!! Narito na tayo sa Wakas ng AAWF! Thank you for supporting this story of mine although it has a lot of flaws! Thank you po sa mga nagbabasa at magbabasa ng kwento ko na 'to! See you on my next story, kiddies!!!
*****
Wakas
Happily ever after...
Totoo ba 'yon? Of course not! Sa tingin ko ay hindi. Walang katapusan, wala ring panghabang-buhay na kasiyahan. Meron ba?
Wala naman, 'di ba?
Marami ang nagsasabi na ang tunay na kasiyahan ay mararamdaman mo sa loob ng bahay. Ipaparamdam sa'yo ng iyong pamilya. A family that will never leave you until the last line of the road.
But I don't find any. Our parents were busy. Lumaki akong ipinaintindi sa akin kung bakit halos palaging wala sa bahay ang magulang ko. And I never made it a big deal!
Not a big, huh?!
It's just really him!
“We came here to hang out, bro! Bakit mukhang nabiyernes santo 'yang mukha mo?! Is it about Melanie?!”
I cringed when he mentioned that name. Ngumisi ako sa kaniya. Rinse also smirked at me. Ang gago, dinalaan pa ang bibig!
“You're imagining things, asshole!” maagap na sabi ko.
Everyone laughed at my remark. Mas umingay pa ang table namin nang may inginuso si Jameson sa kabilang table. Pinaulanan nila ako ng kung anu-anong panunukso na iniilingan ko lang.
“Kaya pala tahimik! Nandiyan si Melanie sa kabilang table!” ani Marxie, kaibigan naming babae.
I bit the inside of my cheeks.
“'Pag ex, 'wag ng balikan, bro!” sulsol pa ni Rinse.
I showed him my middle finger. Mas tinawanan nila ako. Naagaw na rin ng pansin nina Melanie ang ingay na kagagawan ng mga kaibigan ko. Pinanlakihan ko sila ng mata.
“Shut up, fucker!” I fired back. Muli akong umiling ngunit napangiti rin.
Maybe coming here is not really a good decision? Pumunta lang naman ako rito dahil kay Rinse. Pinilit niya akong samahan siyang mag-bar para raw mawala saglit ang mga iniisip niya.
That fucker! May kasalanan pa siya sa'kin no'ng nakaraan, madadagdagan na naman!
“Melanie!” kumunot ang noo ko nang marinig ang pagtawag ng isang babae sa kabilang table sa pangalan niya.
My friends looked at me and they all snorted. Sinamaan ko sila ng tingin.
“What?!” tumaas ang isang kilay ko. Sumulyap pa ako ng kaunti sa table nila Melanie. She stood up and went to the girl who called her awhile back.
“Delikado ka na, Amarez! Masama na 'yang timpla ng mukha mo oh!” Rant pointed my face.
“Agree!” sinundan din siya ng mga babae. “Salubong na salubong ang kilay mo, Grayson! Parang maya-maya ay bubugbog ka ng tao!”
BINABASA MO ANG
And After We Fall
Teen FictionHindi gaanong malapit ang loob ni Andrei sa kaniyang mga magulang dahil masyado silang busy sa trabaho. Kaya naman ay ang Kuya niya lang ang kaniyang kasama sa kanilang bahay kahit na ang totoo ay hindi naman sila masyadong nag-uusap. Pero noon iyon...