Kabanata 4

2 0 0
                                        

Kabanata 4





He stayed in my room. Hindi na siya umalis pa hanggang sa tumigil ako sa pagluha. Kahit na ilang beses ko na siyang pinapalabas ay hindi naman ito nakikinig. He never removed his arms around my body. Na parang kapag ginawa niya iyon ay aalis ako... mawawala ako...

I'm tired. I got tired. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mag-sketch pero damang-dama ko ang pagod. I'm tired of everything, I guess.. Panay pa ang pagkirot ng aking puso na tila wala nang bukas. Pagiging emosyonal na ba 'to?

Maybe because of tiredness, I dozed off to sleep. Nang magising ay ako na lang ang nasa kwarto ko. I literally rolled my eyes.

Hindi naman sa nag-eexpect ako na totohanin niya ang mga galawan nito kagabi. Grayson's acts yesterday tells it all that he won't really leave. Pero ngayon gigising ako at wala naman na siya.

But this is what I want, right?

“Right.” bulong ko sa sarili.

Bumaba ako sa aking kama at lumabas. Hindi pa man ako nakakalapit sa kusina ay naaamoy ko na ang mga niluluto ni Nanay Selya. I smiled to myself. At least, masarap ang kakainin ko ngayon.

With a small smile plastered on my lips, I made my way towards the kitchen. Nang makarating doon ay mabilis kong binati si Nanay kahit hindi ko pa man siya tuluyang nakikita.

“Good morning, Nanay Selya—”

Naiwan ang dalawang kamay ko sa ere habang nakataas pa ang mga ito. My energy immediately dropped down when I saw the person cooking. Nakanganga pa ako na parang may multo sa harapan.

“The fuck!!” naibulalas ko nang mahimasmasan.

Kunot ang noong lumingon sa akin si Grayson na parang may mali akong sinabi.

“Your mouth. It's early in the morning!” sita niya na medyo itinuro pa ako. “And why are you looking at me like that? Para kang nakakita ng multo..”

“What are you doing?!” hindi parin ako makapaniwala. I thought it's Nanay Selya who's cooking. Ano naman kaya ang nakain nito ngayon?!

“U-gh! Cooking?” his voice is unsure. “Why do you ask?”

Natahimik ako nang ilang segundo. When I have already gained my energy again, I made my way towards Grayson. Nakaharap na siya ngayon sa niluluto niya.

“Akala ko si Nanay Selya ang nagluluto..” I bit my lower lip when his brows furrowed. Parang mali ang sinabi ko?

“I can cook if that's what you want to know..” siya naman ngayon ang nagpaikot ng mata.

Gusto ko siyang batukan. Iniikutan niya ako ng mata?

“I know you can cook. Hindi ko lang inaasahan. And it's early in the morning, Grayson. Akala ko si Nanay Selya ang nagluluto dahil ganito rin ka-aga si Nanay kapag nagluluto!”

Napailing na lang siya sa sinabi ko.

Lumipat ang tingin ko sa niluluto niya. Kahit naman papaano ay medyo naagaw nito ang atensiyon ko. Amoy pa lang ay humahataw na. I can tell that it is delicious.

“Ano 'yan?” kuryuso kong tanong.

Sumulyap siya saglit sa akin bago muling tumingin sa kaniyang niluluto. He even smirked like there is something he must be proud of.

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Caldereta..” anito, ang kaniyang ngisi ay naroon parin sa mga labi nito.

Mabilis na sumama ang mukha ko nang marinig ang pangalan ng kaniyang niluluto.

“Iyong kambing?!” nandidiring bulalas ko na taka naman niyang ikinaharap sa akin. Bumalik pa muli ang tingin niya sa niluluto bago bumaling sa akin, ngayon ay nagtataka na ang tingin.

And After We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon