Kabanata 7

1 0 0
                                        

Kabanata 7


A life without even a hint of excitement is boring. It's too boring. Paulit-ulit lang ang ginagawa. Paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Paulit-ulit lang ang palaging nakikita sa paligid. Iisa lang ang lugar na laging kinalalagyan..

Minsan ay ayos lang din naman. A life that is boring is sometimes peaceful. Walang maraming sagabal.. Walang masyadong nangyayari na pwede pang dumagdag sa mga problema mo. Hindi masyadong marami ang mga iniisip.

But sometimes, life could be so harsh even if it's boring. 'Yang mga problema mong 'yan, mas marami pa ang dadating. 'Yang mga iniisip mong 'yan, mas marami pang manggugulo sa 'yo. Ang mga paulit-ulit na nangyayari sa araw-araw ay mas magpapaulit-ulit pa.

It's like a roller coaster.. and that is the real definition of life.

Hindi kailanman, ang buhay ay magiging masaya. Not all the time, you are crying in victory. Sometimes, and mostly.. the people are crying because of too much pressure that our life is giving us.

Ikaw ang bahalang gagawa ng paraan. Ikaw ang bahalang mag-isip kung ano ang susunod mong gagawin.. kung anong daan ang iyon tatahakin.. kung anong pasya ang iyong pipiliin.

Pero para sa akin, wala na akong iba pang pipiliin kundi ang pagmamahal na gustong-gusto kong maramdaman sa aking mga magulang. Nakakainggit na rin minsan sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mga batang ginagabayan ng kanilang magulang hanggang sa paglaki.

That was my biggest insecurity.. Wala naman na akong hihilingin pa kundi ang bagay na iyon. Ang bumalik na ang mga magulang namin.

“Oh, ang lalim na naman ng iniisip mo, anak..” napabuga ako ng hangin dahil sa biglang pagsulpot ni Nanay Selya sa harapan ko. Mababasa sa kaniyang mga mata ang matinding pag-aalala.

“May n-naisip lang, Nanay Selya..” pagsisinungaling ko.

“Halata nga, Andrei. Kanina pa ako rito sa paligid mo pero parang wala ako dahil sa sobrang lalim ng iniisip mo. Ano ba 'yan, anak?”

Napailing ako kay Nanay Selya. Ngumiti na lang ako sa kaniya para kahit papaano ay maniwala siyang wala lang iyon.

“Wala po talaga, Nanay Selya..” ani ko at naisipang ilihis na lang ang usapan. “Gusto ko pong maghapunan tayo mamaya diyan sa tabi ng dalampasigan.”

Tumango na lang sa akin si Nanay at hindi na nagsalita pa ng kung ano. “Oh, siya, sige.. Wala ka bang gustong ipaluto? Ang Kuya Grayson mo?”

“Sa akin po ay ayos na ang kung ano. Hindi ko lang alam kay Grayson kung may gusto ba siyang pagkain na gustong ipaluto, Nanay Selya. Aakyatin ko na lang po siya sa kwarto niya.” wika ko na ikinatango lang ni Nanay.

Dumiretso ako sa taas upang puntahan si Grayson sa kaniyang silid. Nagdalawang-isip pa ako kung itutuloy ko pa ba siyang katukin sa kaniyang kwarto.

Ngayon ako nagsisisi kung bakit sinabi ko pa iyon kay Nanay Selya. Pwede naman namin siyang hintayin na bumaba, bakit kailangan ko pa siyang akyatin?! Napabusangot ako sa napagtanto. Lumilipad na nga 'ata ang isip ko dahil sa napakaraming iniisip.

At last, I still knocked on his door. Kagat-kagat ko ang aking labi habang hinihintay siyang buksan ang pintuan. I'm feeling a little bit nervous. Parang kanina lang ay ang lakas-lakas pa ng loob ko.

I quickly shook my head before heaving a sigh.

Nang wala siyang naging sagot ay kumatok pa muli ako. Uulitin ko pa sana iyon pero halos mapatalon ako sa gulat nang bigla itong bumukas at iniluwa no'n si Grayson na walang ibang saplot kundi tanging boxer at lantad na lantad ang katawan niya.

And After We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon