Kabanata 3

2 0 0
                                        

Kabanata 3



Sorry. One word but it brings so much emotion to  people once it's being said to them. A simple sorry can be a medicine, I think. Kaya nitong gamutin ang kung anumang sakit, takot, dismaya, lungkot.. Or maybe that's just what I thought. Sa ibang tao kaya?

The sun is shining brightly again. Napaka-aliwalas ng paligid, lalo na ang asul na kalangitan at tinernuhan no'n ang dalampasigang hindi na napagod sa pagbibigay ng kapayapaan sa ibang mga tao.

Isa ang dalampasigan sa mga gamot ko. Ang dalampasigan ang siyang isa sa mga takbuhan ko sa tuwing may mga pangyayaring nagaganap sa akin. Even though I know that the sea is aggressive sometimes, I just still can't help but to find peacefulness on it.

It started when I was five. Tumatambay lang ako sa may harap ng aming bahay, tahimik na pinagmamasdan ang dalampasigan baka sakaling matatanggal nito ang pangungulilang nararamdaman ko sa mga taong tila wala nang pakialam sa amin.. sa akin..

And it did.. One thing that I am thankful of..

Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong-hininga. Kakatapos ko lang magpalit ng damit, naligo na rin.

Hindi na tinantanan ni Grayson ang utak ko. Him saying sorry? Siguro mahabang panahon na rin simula nang huli ko siyang marinig na mag-sorry. At hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kung guluhin no'n ang utak ko. It's just a simple sorry..

Pero bakit ba siya humihingi ng tawad gayong wala naman siyang ginawang masama sa akin? Dahil ba 'to sa pag-iwan niya sa akin kagabi?

I think so..

Marahan ko na lamang na naiiling ang aking ulo upang tanggalin ang mga isiping iyon. It's too early for me to feel stressed.

Lumabas na lang ako sa bahay. My feet made their way to the sea shore. Inabala ko muna ang aking sarili sa pagtitingin sa dalampasigan. I just sat under the coconut tree and stared at the sea.

May katagalan na rin mula nang huli kong pagligo sa may dalampasigan. At hindi naman siguro masama kung gagawin ko ulit iyon ngayon, 'di ba?

I smiled in triumphant. Para akong sinaniban ng kung sino at hindi na nag-atubiling tanggalin pa ang mga damit. Mabilis pa sa alas kwatro akong lumusong sa dagat at mabilis akong napatili nang maramdaman ang tubig nito na yumakap sa aking katawan.

“Oh, God!” malakas na tili ko at sinamaan ng malakas na pagtawa. “I'm free!!”

Sumigaw lamang ako ng napakalakas, hindi na pinansin pa kung may ibang tao mang makakakita sa'kin dito. O baka pinapanood ako ni Grayson. I screamed freely. Para akong nakawala sa kulungan matapos ang ilang taon.

“I love it!!” sigaw kong muli, ngayon ay nilalaro na ang tubig ng dalampasigan. “I love it! I love it! I love it!”

Paulit-ulit lang ang mga sinasabi ko. Tawa ako ng tawa habang mag-isang nakikipaglaro sa tubig at parang bata na tumatakbo sa tuwing may mga maliliit na alon na sumasaboy sa akin.

I really enjoyed it. Kahit na mag-isa ako ay nakaramdam parin ako ng kasiyahan. I was able to laugh, I was able to feel better. At dahil siguro sa masyadong pagiging focus ko sa pakikipaglaro sa alon ay hindi ko na napansin si Grayson na lumapit sa akin.

“You take care! You will get drowned!” ang may kalakasang paninita niya sa akin nang muntik na akong mawalan ng balanse.

Sumimangot lang ako. “I know how to swim!”

“You still need to take care. Baka tangayin ka pa ng mga alon..” Mas lumapit siya sa akin, kaunti na lang ay mararating na niya ang tubig.

Humarap ako sa kaniya, pansamantalang natigil sa paglalaro. “Maliliit lang ang mga alon, Grayson. Hindi nila ako matatangay dahil mas malaki pa ako sa kanila. And besides, I live beside the sea. I can swim..”

And After We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon