Kabanata 9

3 0 0
                                        

Kabanata 9





Walang mangyayari kung hindi mo susubukan. Walang magbabago kung hindi ka susugal. Walang matitira kung hindi mo pa simulan. At hindi ka magiging masaya kapag hindi ka nasasaktan..

Pero kailangan mo pa bang masaktan bago sumaya kung alam mong sa una pa lang ay masaya ka na? Kailangan mo pa bang subukan kung sa simula pa lang ay may nangyayari na? Kailangan mo pa bang sumugal kung alam mong sa bandang dulo ay wala paring magbabago?

Bakit kailangan pa nating masaktan? Bakit kailangan pa nating maiwan? Bakit kailangan parin nating lumaban kahit alam naman natin na sa dulo ay wala rin tayong mapapala? Bakit ang hilig nating ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman talaga pwedeng mangyari kahit ano pang pilit natin?

I was alone since then.. I was loved by my Nanay when it should be my parents who's doing it. Hindi ba ako nararapat sa pagmamahal nila?

Napakarami nilang rason. Sa murang edad ko ay kinagat ko lahat ng mga rason nila. They're always making me believe that it is also for the both of us. Pero lumaki na ako't lahat-lahat ay wala parin. Ganoon parin ang mga pangyayari..

They left me with my brother..

Pero habang tumatagal, napagtatanto kong hindi pare-pareho ang pananaw natin sa mga bagay-bagay. That we have our own understanding...

Noong una ay ang mga magulang ko lang.. Pinili kong 'wag pansinin ang puwang sa puso ko. I chose to be strong. Pinilit ko ang sariling magpakatatag.. Na ibaling na lang sa ibang bagay ang lungkot na nararamdaman.

Ngunit habang tumatagal.. hindi ko alam na nahuhulog na ako sa bangin. Nahuhulog na ako sa isang bangin at ang ikinatatakot ko ay kung makaka-ahon pa ba ako.. I was falling midway on a cliff with no one waiting for me on the ground.. I was falling and I have no one to catch me..

Nag-iisa parin ako... I'm still alone..

Umaga na pero hindi ko parin kayang ipikit ang aking mga mata. Blanko ang tingin ko sa kisame ng aking kwarto at hinahayaan lang ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha.

Naiinis narin ako. Kanina ko pa sila pinupunasan pero patuloy parin sila sa pagbagsak. Patuloy parin sa pagkalas ang mga luhang kailanman ay wala namang saysay. I was just wasting my tears to those nonsense things.

Pero masisisi ko ba ang sarili ko?

Kaya naman noong bumaba ako ay mugtong-mugto na ang aking mga mata. Ang sakit ng mata ko at namumula pa ang mga ito. Ang aking lalamunan ay tila natuyot na dahil ang sakit na ring lumunok.

Nagpakawala ako ng mahabang buntong-hininga habang binabagtas ang daan patungo sa kusina. Mukhang hindi pa nagigising ang iba.. or that's just what I thought..

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay natigil na ang paa ko sa paglalakad nang mabungaran ang taong gusto kong iwasan. Ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog buong magdamag.

He is wearing nothing on his top. Tanging boxer lang ang kaniyang pang-ibaba. Naglalakad siya patungo sa may hagdan at may hawak pa itong isang baso ng tubig. Pero kagaya ko, natigil din siya sa paghakbang nang makita akong pababa.

Gulong-gulo ang kaniyang buhok. Halata ang mga mapupulang marka sa kaniyang dibdib habang halata ang marka ng kamot sa kaniyang balikat.

Labis ang kirot ng puso ko habang pinagmamasdan ang mga iyon sa kaniya. Why is he doing this to me? Bakit parang proud pa siyang ipangalandakan ang mga markang nasa dibdib niya? Para ba ipakita iyon sa'kin? Para saktan ako?

Eh 'di panalo na siya. Nagawa niya nang saktan ako..

Kung tutuusin ay ito naman talaga ang gusto ko. This is what I want. Sinunod niya lang ang gusto ko. Pero sobrang layo naman nang linya ang ginawa niya.. And he's already too far from his old self..

And After We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon