Kabanata 17

0 0 0
                                    

Kabanata 17







A home is built with a strong foundation. Matatag ang pagkakatayo at hindi basta-bastang sumusuko o natitibag ng kahit na ano. It is a safe place which could make you feel comfortable living with. A home.. is a place that you could run to when everything feels unsafe.

Ito ang magsisilbing silong, magiging takbuhan, at paraiso kapag marami nang maling nangyayari sa labas na lugar.

Funny to think that I've been living in a home but I don't feel like I'm in home. I'm in my own shelter but I don't feel like it is my own shelter.

And it's too ironic that I found a home inside my home.

Sa loob ng mahabang panahon, pakiramdam ko ay nawawala ako sa sariling bahay. My thoughts were clouded by my emotions that it's too late for me to notice that my own safe haven is only in my home.. Our home.. Sa lugar kung saan ay ipinaramdam sa akin na wala ng pag-asa.

My life before was colorless. Maraming taon na hinahanap ko ang mga taong alam kong makakapagbigay kulay sa namamatay ko ng buhay. I was looking for them, blinded by the emotions that has been tearing me apart. At patuloy paring sinasaktan ako.

I used to think that they already forget about us. Na tuluyan na nilang hindi kami pinapahalagahan. Ang paniniwalang matagal ko nang napagtanto pero hindi parin matanggap ng aking puso.

Walang aasa kung walang taong paasa. At walang pag-asa kung walang taong nagbibigay ng pag-asa. It is a vice versa. A bandwagon belief of many that I also believe.

At the berg of cruelty and pain coming from the world, should I run to my home? Should I run away from those? Tama bang talikuran na lang ang lahat? Tatakbuhan ko na lang ba ang kaguluhan ng mundo at magtago sa aking tahanan kung saan may kapayapaan?

Of course, I will. I will always will.

Siya ang tahanan ko. Siya ang nagbigay kulay sa madilim at walang pag-asang mundo. He became my light as I walk through the dark path. He guided me to carry out the pain that I've been feeling.

Siya. It's him. Grayson..

Napatunghay ako sa mga alon ng dalampasigan. It's such cloudy today, mukhang sumasama pa ang panahon sa nararamdaman ko. Tahimik kong pinagmamasdan ito habang malakas ang paghampas ng hangin sa kabuuan ko.

Isang malakas na paghinga ang ginawa ko at pinag-krus ang aking braso. When are they going to come home again? Wala naman na 'ata silang balak na bumalik ulit? It's been a week and a half since their last visit.

Siguro kung noon ay nagtatampo na naman ako sa ganitong nangyayari. I'm always pouting while fighting urge to not to cry.

Hindi lang din naman ako ang may kasalanan. Kung sana ay hindi nila ipinaramdam na mas pinagtuunan nila ng pansin ang company ay hindi magiging ganito ang pananaw ko sa kanila.

Pero maayos na rin iyon dahil nagkakuha ako ng aral. Aral na alam kong babaunin ko hanggang sa pagtanda.

Nang magsawa sa panonood sa dalampasigan ay lumabas na ako sa aking veranda. Sinipat ko pa ng isang tingin ang aking kwarto kung may magulo pa ba at nang wala na ay lumabas na ako.

Nagtungo ako sa sala. Nadatnan ko roon si Grayson na prenteng nakaupo habang may kinakalikot sa kaniyang cellphone. Naka-open ang tv pero hindi naman siya nanonood.

Umismid ako. Namataan ko pa si Nanay Selya na may ginagawa sa kusina bago ko lapitan si Grayson na kunot na kunot ang noo.

“Kaunti na lang ay masisira na iyang cellphone mo, Grayson.” kumento ko. Parang wala siya sa sarili na mukhang hindi na niya namamalayang ang higpit na ng hawak niya roon.

And After We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon