Kabanata 21
“Congratulations, Sir Andrei!!”
Magkasabay na umangat ang balikat ko pagkatapos buksan ang maindoor ng bahay. I am still wearing my formal attire. Kakagaling ko lang sa isang meeting. Meeting with my client. Hindi ko naman alam na dumating na pala ang balita rito sa bahay?
I stared at them in disbelief. Nandoon ang mga katulong, kaunting tauhan sa taniman at meron din sina Tatay Pancho. Bumaling ako kay Papa na nakangiting hawak-hawak ang isang mini cake.
Nagtatanong ang tingin ko sa kaniya. Paanong nakalipad agad ang balita sa mga ito? At paano sila nakapaghanda ng ganoon kadali? Trenta minutos? Really?!
He smiled at me. Lumapit ako rito habang hindi parin natatanggal ang pagkakakunot ng aking noo.
“Papa, anong meron?” tanong ko. I already knew the answer but I just want to confirm it.
“Tanungin mo ang sarili mo, Andrei..” he asked back, flashing his sweetest smile.
“U-ugh!” I'm right. Tama nga ang nasa isip ko. “H-hindi niyo naman kailangang gawin ito, Papa. Mukhang hindi pa po kayo nasanay.”
“Your achievements are important, Andrei. We need to celebrate.” I pouted. Tumawa ang mga kasamahan ni Papa. Or should I say, his comrades?
“Marami na akong achievements, Papa. Hindi niyo naman ako sinurprise noon,” bumusangot ako. “And besides, this is just a simple business.”
“The Yuesco? Really, Andrei?”
Hindi na ako nakipagtalo pa. Yumakap na lang ako rito at nagpasalamat. Pinasalamatan ko na rin ang mga tauhan na kasama ni Papa bago sila inaya sa kusina na may nakahanda na palang pagkain.
“Ang dami naman pong niluto niyo. Sana ay tinawag niyo na ang lahat ng trabahador, Papa.” I pouted again. Tinawanan nila ako.
“May trabaho ang iba, anak. Sinabihan ko na sila kanina. And don't look so disappointed. We should celebrate this achievement of yours.”
Kagaya nga ng balak nila, sabay-sabay kaming kumain lahat. Tinatawanan lang nila ako sa tuwing nagrereklamo ako kay Papa. Nang matapos ang kaunting salu-salo ay pinasalamatan ko na rin ang iba.
“Hindi ka ba masaya, Andrei?” tanong ni Papa nang dalawa na lang kaming natira sa kusina.
“Masaya po,” sagot ko bago sinimulang tumulong na magligpit ng pinagkainan. “Hindi ko lang inasahan ito.”
He nodded at me. “Nabusog ka ba?”
“Ang dami niyong pinaluto, Papa.” I groaned and he laughed.
Nang matapos sa kusina ay nagpaalam muna ako at dumiretso sa aking kwarto. I changed into a comfortable t-shirt partnered with a mid-thigh shorts. Bumaba ako sa sala. Nadatnan ko roon si Papa na nakaupo sa rocking chair, may binabasa.
“Gaano kasikat ang mga Yuesco, Papa?” tanong ko nang maalala ang mag-asawang kumuha sa akin.
“Yuesco and Maladrigo are business partner. Sa Sta. Ana, kilala ang mga Maladrigo. And also the Yuesco. Kilala ng mga tao, lalo na sa mundo ng business.”
Kumunot ang noo ko. “M-maladrigo?”
“Hhmm..” tumango si Papa.
“Familiar ang apelyidong iyan sa akin.”
“Yes. Ang may anak sa bumaril sa akin noon.”
At iyon ang tumatak sa akin. That's why that surname sounds familiar. Sila ang dahilan kung bakit kami nandito ni Papa.. kung bakit siya nabaril.. at kung bakit ako tuluyang umalis sa lugar na kinalakihan ko.
BINABASA MO ANG
And After We Fall
Teen FictionHindi gaanong malapit ang loob ni Andrei sa kaniyang mga magulang dahil masyado silang busy sa trabaho. Kaya naman ay ang Kuya niya lang ang kaniyang kasama sa kanilang bahay kahit na ang totoo ay hindi naman sila masyadong nag-uusap. Pero noon iyon...