Kabanata 5
“Good morning..”
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata nang marinig ang malambing na pagbulong ng kung sino malapit sa tenga ko. I was welcomed by an unfamiliar ceiling. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi ito ang silid ko!
Nagtataka kong inilibot ang aking tingin. Hindi maproseso ng utak ko ang mga nakikita. Where am I? Bakit hindi pamilyar ang lugar kung nasaan ako?!
“Andrei..” and that hoarse voice..
Lumingon ako sa aking gilid kung saan nagmula ang tinig na iyon. Kung kanina ay natutulog pa ang diwa ko, ngayon ay gising na gising na ito. I am completely awake not because of something but because of someone.
“Shitt!!” I loudly cursed.
Nawindang ako sa natagpuan. Mabilis pa sa alas kwatro akong napabalikwas at noon ko lang din napagtanto na nakahiga ako. And I'm not alone. I'm with someone. And it's Grayson!
Agad na kumabog ng malakas ang aking dibdib. Para akong nasisintakutan na lumayo sa kaniya. Sabay pang nahulog ang aming mga panga.. Ako ay sa mga pangyayari pero ito ay dahil 'ata sa mga ikinilos ko. But whatever it is, I need to get out of here!
“Andrei, what's wrong?”
“Ba't a-ako nandito?!” naguguluhang tanong ko bagkus na pagtuunan ng pansin ang nauna nitong tanong.
Pero bago pa siya makapagsalita ay agaran nang bumalik sa aking ala-ala kung paano ako napunta rito. Kung paano namin siya ipinasok ni Nanay Selya, kung paano ko siya inakay, kung paano ako sumunod sa gusto niyang mangyari... He didn't force me. Nagkusa ako?!!
Mabilis kong natakpan ang aking bibig gamit ang isang palad. I gasped as my heart became unstable. Napakarahas ng pagtibok nito at kulang na lang ay lumabas na siya sa aking dibdib. Samahan pa ang mukha kong nag-iinit sa kahihiyan.
“I-i t-think I should go..” natatarantang ani ko. Magsasalita pa sana siya pero hindi ko na ito hinayaan at agad nang tumalikod para makalabas na.
“What the heck!!” ang malutong kong pagmumura nang makarating sa aking kwarto. Nahilamos ko pa ang aking mukha sa frustrasiyon.
“Nakakahiya, Andrei!! Bakit hindi ka man lang tumanggi?!!” nabatukan ko ang sarili. Gusto kong umiyak sa hiya. Pa'no ko na lang siya haharapin nito?! Naku naman!!
Hindi ko alam kung ilang oras kong pinagalitan ang aking sarili. Upang maibsan man lang ang pag-iinit ng aking pisngi at ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib, minabuti kong maligo na lang. I really need to take a bath right now!
Nang matapos ay nagpalit na ako. Dahil na siguro sa pagka-praning ko ay kung anu-ano na lang ang isinuot ko. Isang may kakapalang pajama at jacket. Ang init-init sa labas pero dahil sa nangyari kanina ay nauwi ako sa ganito.
“Oh, Andrei, anak?! Ano't parang balot na balot ka? May masakit ba sa'yo?” bungad na tanong ni Nanay Selya nang makababa ako.
Bumaba ang tingin ko sa aking katawan bago umiling. Pinasadahan pa ako ng isang tingin ni Nanay Selya habang nakakunot ang kaniyang kilay. Natigil na rin ito sa pag-aayos ng mga pinggan.
“W-wala, Nanay Selya..” nagsisimula na namang uminit ang mukha ko. “U-ugh! Gusto ko l-lang pong m-magsuot ng ganito..”
Mas nagsalubong ang kaniyang kilay. “Napakainit na nga sa labas. Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?”
Muli akong umiling na ikinabuntong-hininga lamang ni Nanay Selya. Hindi ang katawan ko ang naiinitan kundi ang mukha ko.
“Ikaw talagang bata ka. Kung anu-ano na lang ang ginagawa mo..” she continued fixing the table. “Oh, siya, maupo ka na riyan at tatawagin ko lang ang iba..”

BINABASA MO ANG
And After We Fall
Teen FictionNEW CHAPTER SERIES 2 Hindi gaanong malapit ang loob ni Andrei sa kaniyang mga magulang dahil masyado silang busy sa trabaho. Kaya naman ay ang Kuya niya lang ang kaniyang kasama sa kanilang bahay kahit na ang totoo ay hindi naman sila masyadong nag...