This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual incidents is purely coincidental.All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any forms or by any means without the prior consent of the author.
Read at your own risk.
*****
Kabanata 1
Nightmares are the worst enemy to a lifeless person like me. Paano pa ako magkakaroon ng buhay kung ang mga nagbigay sa akin ng buhay ay kailanman ay hindi na yata ako inisip pa. They let me see the light of the world but they also gave me nightmares at the same time.
Sa palagay ko ay bangungot na lang ang mga nangyayari ngayon sa akin. Everything is my nightmare. Kung kailan kailangang-kailangan ko sila ay saka naman ang paglayo ng loob ng mga ito sa akin.. sa amin..
Hindi ako 'sinlakas ni Grayson. He's too strong, not like me. Parang lantang-gulay at isang maliit na hangin lamang ay matutumba na. But deep inside me, I'm trying to change. I'm trying to be strong like him. I'm trying to make my life more healthier. Kahit na parang wala nang pag-asa pa.
Grayson is such a powerful man. Ibang-iba ako sa kaniya. He can handle pain and I can't. He can hold his tears and I can't. Pareho kami ng pinagdadaanan pero nakakaya niyang tanggapin ang lahat ng iyon. Nakakaya niyang labanan ang sakit na katulad ko ay ilang taon na niya ring kinikimkim.
He's just too strong.. and I'm a total soft hearted person.
Hindi ako mapakali habang tinitignan ang sarili sa salamin. I've been checking myself for almost half an hour. It's time for dinner and I'm so nervous. Ilang taon na rin simula nang huling magkakasama kaming kumain.
"Sir Andrei, kakain na po!"
Isang pasada pa ng tingin sa salamin at tuluyan na akong lumabas. My hands are sweating. Pakiramdam ko ay nagsimula ulit ang lahat. I'm feeling a bit nervous.
Maybe because of excitement?
Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa makarating sa baba. Pinilit kong ngumiti kahit na nanginginig na ang aking mga labi. But it feels like everything crumpled down when I heard their voices.. talking about business.
"They needs us, Georgia! Kaibigan ang tingin nila sa atin! We can't just ignore them!" narinig ko ang nawawalan ng pasensiyang boses ni Papa.
Humakbang pa ako hanggang sa marating ang kusina. Everyone is here. Ako na lang ang wala. But not like what I expected, parang nagkakaroon pa ng hindi pagkakaintindihan sina Mama at Papa.
"Alex, mag-isip ka naman! Their company is already crumpling down!" sumbat ni Mama. Imbes na masayang hapunan ang mangyari ay parang naging malaking diskusiyon pa ang nadatnan ko. "The Clemente's falling down!"
"And they needs us right now. Tinulungan nila tayo noon! We can't just leave them like that!"
Nagtuloy-tuloy pa ang sagutan nila. Mukhang hindi na rin nila napansin pa ang pagdating ko.
"Jusko naman, Alex! Can't you understand?! Kapag tinulungan natin sila, may posibilidad na madadawit tayo! Madadamay ang kumpanya natin!" hindi parin pumapayag si Mama.
Hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila. Mukhang nagkakainitan na rin sila ng ulo dahil parehas na ang mga ito na nagtataas na ng boses.
A simple yet bitter smile formed on my lips. This is my family. It will never be a happy family like what I'm always wishing.

BINABASA MO ANG
And After We Fall
Teen FictionNEW CHAPTER SERIES 2 Hindi gaanong malapit ang loob ni Andrei sa kaniyang mga magulang dahil masyado silang busy sa trabaho. Kaya naman ay ang Kuya niya lang ang kaniyang kasama sa kanilang bahay kahit na ang totoo ay hindi naman sila masyadong nag...