Kabanata 31
When the time is right, everything will be revealed. Secrets would come out. Nothing will last longer, not even the unsaid truth.
Kahit na anong pilit nating itago ang katotohanan ay palagi parin iyong lalabas. Hindi magtatagal at malalaman din ng iba. Kaya nga siguro marami ang nagmumukhang tanga dahil ang alam nila ay walang nakakaalam sa mga itinatago nila.
And I believe in the philosophical saying that once you hide the truth, the truth will always be the one who's making itself free. Siya ang palaging maglalabas sa kaniyang sarili.
Maraming lihim ang pamilya ko tungkol sa mga katotohanang hanggang ngayon ay ayaw paring sabihin sa akin. They knew something I do not know. May mga bagay na pinapanatili nilang sikreto. Nang sa gano'n ay ni isa, wala akong malaman.
Hinahanap-hanap ko ang mga kasagutan. Simula noong lumipat kami ni Papa sa Cebu. Sinimulan kong tanungin sa sarili ko kung sino ba ako. Sino ba ang totoong ako? Dahil kahit kailan, walang kahit na anong salita ang nanggaling kay Papa tungkol sa amin ni Grayson.
Isa iyong malaking palaisipan sa akin kung bakit hindi katulad ni Mama na tila ayaw na ayaw niyang mapalapit muli ang loob namin ni Grayson. At nadagdagan pa noong isang beses na pumasok ako sa library ni Papa. I saw my name on a paper. Pero iba ang apelyido ko. But the other files, sakto sa kung ano ang apelyido ko ngayon.
It's just a single paper. Iisa lamang pero hindi ko alam kung may mali ba roon, dahil lahat naman na ng mga papeles tungkol sa akin ay tama na ang mga nandoon.
Ngayon, ito na ang malaking palaisipan sa akin. Sino ako sa mga Amarez? Bakit ako ngayon ay sinusundan ng mga Maladrigo? What is my real identity?
Sino ako?
“Andrei,” bumalik ako sa tamang pag-iisip nang marinig ang pamilyar na boses ni Grayson. “You are spacing out, baby.”
Umiwas ako ng tingin nang umupo siya sa silyang nasa harapan ko.
“M-may iniisip lang,” mahina ang tinig na sabi ko at sumandok sa pagkain na niluto niya.
“Care to tell?”
Umayos ako ng upo nang makakuha ng pagkain. He only watched me eat. Hindi siya kumilos para kumuha ng pagkain niya. So I did. Nilagyan ko ang plato niya.
“Kumain ka na, Grayson..” pag-iwas ko sa sinabi niya.
He nodded. “Okay.”
I silently dig on my plate. At habang tumatagal ang katahimikan sa pagitan namin ay mas nakakaramdam ako ng ilang. Para tuloy kaming bumalik sa dati.
“Wala ka bang gustong sabihin?” umangat ang tingin ko sa kaniya nang muli siyang nagsalita.
I pouted and tried to divert my gaze on his plate. Kaunti pa lamang ang kinakain niya.
“Bakit ang kaunti ng kinakain mo?”
This is ridiculous! Kailangan ko ba talagang iwasan ang ganitong mga tanong? At bakit napapansin ko pati ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya? This is insane!
Bumuntonghininga ako. I just need to calm myself down.
Binitawan niya ang hawak na kubyertos. Mariin siyang tumitig sa akin na mabilis kong iniwasan. Pakiramdam ko tuloy ay para akong tinititigan ng isang mabangis na hayop.
“What's wrong?” his voice is stern yet still soft.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi bago bitawan ang kutsarang hawak. Gusto kong tumakas pero hindi ko magawa dahil nasa akin lang ang kaniyang tingin.
BINABASA MO ANG
And After We Fall
Teen FictionHindi gaanong malapit ang loob ni Andrei sa kaniyang mga magulang dahil masyado silang busy sa trabaho. Kaya naman ay ang Kuya niya lang ang kaniyang kasama sa kanilang bahay kahit na ang totoo ay hindi naman sila masyadong nag-uusap. Pero noon iyon...