"DANNA!"
Nasa isang bench ako ngayon sa labas ng Science Center building habang kumakain ng taco ng muntik na akong mabulunan ng marinig ko si Jem na tinatawag yung pangalan ko. Hay naku. Hindi nga ako nabulunan pero nabasa naman ng cheese na sauce ng taco yung damit ko. Konti lang naman. Pero madumi pa rin tignan.
"Kung gusto mong kilalanin pa kitang kaibigan, huwag mo akong gugulatin. Look what you did to my shirt!" pinakita ko naman sa kanya yung dumi.
Inirapan lang niya ako tapos kumuha ng isang taco.
"Sus. Para yun lang, nagiinarte ka na."
"Anong yun lang ha? Tsaka sinong maysabi sayo na pwede kang kumuha ng taco ko? This is mine!"
She grinned.
"Well, wala ka ng magagawa kasi nakakuha na ako. Bleh."
"Ewan ko sayo. Bakit mo ba ako tinawag ha?"
"Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Here," tapos may binigay siya sa akin na leaflet. Siyempre kinuha ko naman tsaka binasa ko yung nakasulat.
"Drum lessons? Bakit mo ako binibigyan ng ganito?"
Umupo naman siya sa tabi ko.
"Diba noon ka pa interesado na mag drums? Buti nalang at pumunta ako sa dating school ko at nagkataon na music teacher na pala doon yung tito ko. He's really, really good Danna. Worth it yung ibabayad mo sa kanya. Tapos tignan mo, 150 pesos per hour lang! Ang sulit kaya niyan!"
"Sabagay. Sulit nga. Pero hindi ba parang awkward na mage-enroll ako sa drum lessons na ito?"
Tumaas naman ang kilay niya.
"At paano naman naging awkward yun?"
"Duh? I'm a girl, that's why."
"Ano ka ba? So what kung babae ka? Bakit ha? Porket babae ba eh hindi na pwedeng mag drums ha? Gnaun ba yun?"
"Ano ka ba? Ang OA mo masyado. Pero kasi, parang ang weird tignan na ang isang babae eh magda-drums. Well yeah, may mga babae naman na ngayon ang nagpe-play ng drums. Pero kasi, nahihiya ako eh."
"Tinawag mo akong OA? Ikaw ang OA! Ang sexist mo friend!"
"Che. But I really, really want to learn how to play the drums. Nakakaexcite."
"Talaga! So ano? Magpapa-enroll ka ba? Kasi sasabihin ko sa tito ko kapag nag confirm ka."
Nagisip-isip naman ako.
"I'll give my answer tomorrow nalang muna. I want to think about it. Baka rin kasi na mag conflict sa schedule ko."
"Okay. Ikaw bahala. Just call me kung nakapag-decide ka na."
"Okay friend."
"Balita ko eh nagkita daw kayo ni Dixie kahapon."
Napatigil naman ako bigla sa pagsubo ko ng taco ng marinig ko yung sinabi ni Jem. I put down my food and I absentmindedly looked at the people walking, talking, laughing, and doing their own activities around us. Bigla-bigla eh parang nawalan na ako ng gana.
"Yeah."
I sighed. And I honestly don't know why.
"UEI! Okay ka lang? Parang mali ata na tinanong kita ng ganun ah."
"No Jem. Okay lang. Nagulat lang ako, that's why."
I just don't know kung bakit ganito ang reaction ko. I kinda felt... sad. Kahapon lang eh okay na okay yung pakiramdam ko. Harap-harapan ko pa nga siyang nakita at nakausap. Tapos ngayon na narinig ko lang yung pangalan niya, bigla-bigla eh nag iba yung mood ko. Ang gulo. Ang hirap intindihin.
