"Okay, Danna. Back from the top."
Inayos ko muna sandali yung upuan ko and then I prepared myself.
"Okay. 3, 2, 1, and," then he signaled for me to start playing.
Andito ako ngayon sa Faith kung saan nagtuturo yung tito ni Jem ng drums. At first eh talagang naasiwa ako to the highest level. Eh siyempre, kahit ni katiting about drums, wala akong alam. Pero interesado talaga ako. At yun ang dahilan kung bakit ngayon eh may konti na akong alam.
Four counts, 1 and 3 ang hi-hats which is yung cymbals na nasa left side ko, then 2 and 4 para sa base drum which is yung napakalaking drums na nasa floor na ginagamitan ng paa para tumugtog. Whatever. -.-"
It was pretty simple actually. Pinuri pa nga ako ni tito kasi ang dali ko lang daw natuto. Then he taught me more. And habang dumadami yung nalalaman ko, mas nagiging complicated naman. Kailangan talaga synchronized yung paa at kamay mo sa pag tugtog ng drums. Nahirapan talaga ako sa simula. Nangawit pa nga kamay ko eh. But after two hours, I felt satisfied with my performance and there's this feeling inside me that I wanted to know more; to be a pro.
"Isa sa pinakamahirap tugtugin na instrument ay drums, Danna. But if interesado ka talaga, madali ka lang matututo. And I must say that I'm impressed with your performance. Hindi gaya ng ibang students ko, madali mo lang nakukuha yung mgapinapagawa ko sayo. In no time, I'm sure magiging isang magaling ka ng drummer."
Napangiti naman ako sa sinabi ni tito.
"Salamat po. I'll do my best po."
After nung practice eh dumiretso na ako sa school for my 4pm Statistics class. And since malayo talaga ang St. Joseph plus the traffic and all, it took me almos two hours bago ako nakarating ng school. The hell with poise! Tumakbo na ako papuntang classroom. And hindi na ako nagtaka nung pagpasok ko eh pinagtitinginan nila eh. Ikaw kaya ang maging late ng almost one hour eh tignan natin kung hindi ka pagtinginan ng mga kaklase mo.
Mabuti nalang at may sinusulat si ma'am sa board nun kaya hindi niya napansin yung pagdating ko. Umupo ako agad sa bakanteng armchair na nakita ko sa may likuran.
"Hey, nag quiz ba kayo?" I asked the guy sitting beside me. To be frank, kahit nasa kalagitnaan na kami ng semester, ngayon ko lang nakita ang isang 'to. Well, irregular siguro or cross-enrollee.
"Oo. Thirty items." sabi nung lalaki sa akin. Tinignan niya ako sandali then binalik na niya yung tingin niya sa board.
"WHAT?!" Patay ako nito! 30 points? Ang laki nun! O.O
"Okay lang yan. Hindi rin naman ako naka take ng quiz. I-approach nalang natin si ma'am after ng class. Magdasal ka nalang diyan na payagan niya tayong maka take ng quiz. Ang sungit pa naman ng ma'am natin."
Napangiti naman ako dun sa sinabi niya. At medyo gumaan din yung pakiramdam ko kasi dalawa kami na hindi naka take. Sana nga payagan niya kami.
"Sana nga dapuan ng mabuting hangin si ma'am. Wooh!"
Tinignan lang ulit ako nung lalaki at nginitian. Then nakinig na siya ulit.
Nag discuss lang si ma'am then nag 20 item post quiz. Pagkatapos nun eh dinismiss na niya kami. Siyempre we approached her at kinausap.
"Ma'am, pwede po ba kaming maka take ng special quiz kanina? We were late po kasi. I hope ma'am that you'll allow us to take a special quiz. Ang laki po kasi ng 30 items...."
Sana nga talaga dapuan ng mabuting hangin itong instructor ko na ito at payagan kami.
"Kung ganyan pala at concerned kayo sa grades mo, sana hindi kayo nagpa late. But since dalawa kayong hindi naka take ng quiz kanina, I'll allow you two to take a special quiz."
