Status - 9

189 5 3
                                    

"Sasayaw kami mamaya sa The Forth. Punta kayo?" tanong ni Dan sa amin habang kumakain kami. I'm with Jem and the three guys and we're having our lunch sa Sweets. Ewan ko nga lang kung lunch na matatawag ang pagkain ng bread at gelato.

"Ang The Clitch and kasama mo bro?" sabi ni Michael.

"Oo. Tita kasi ng isang kagrupo ko ang may-ari ng lugar. Nakita siguro niya kung gaano kami kahusay sumayaw kaya inimbita niya kami."

Tinapunan naman ni Jem si Dan ng nilamukos na tissue niya.

"Dahan-dahan lang sa pagiging mayabang tol!"

"Para namang hindi ka mayabang." sabi ni Lex.

She glared at him.

"Ikaw ba ang kinakausap ko? Ikaw ba ang tinapunan ko ng tissue? HINDI! Kaya huwag kang epal pwede?"

Nagkibit balikat lang si Lex at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ewan ko sayo!" tsaka pinagpatuloy nalang din ni Jem yung pagkain niya.

"Sasama ba si Dixie?" pagiiba ko ng topic para naman hindi na lalong magkagulo pa.

Nagkatinginan naman silang lima for a second and then acted as if I only said something insignificant.

"I didn't invite him. But kung okay lang sayo na andun siya, then I guess I'll just call him later to inform him about it."

I smiled.

"At bakit naman hindi magiging okay? Of course okay lang. Go on. I don't mind. Nagkita naman na kami last week. Hindi naman kami nagsabunutan and all. So yeah, okay lang talaga."

Wala naman ng kaso sa akin kung magkita kami ulit or kahit pa magkita kami araw-araw. Para na rin masanay ako sa thought na hinding-hindi talaga siya magiging akin kahit na araw-araw ko pa siyang makita. Hey, it's not like I'm hoping and all. Gusto ko lang namang i-test yung sarili ko. Gusto kong malaman kung ano ba ang ang magiging reaction ko sa pagkikita namin ulit. Katulad ba last week na wala lang talaga or mag-iiba na naman? Para na rin masanay ako sa presence niya. Alam ko naman kasi na forever na siyang magiging bahagi ng buhay ko. Kung iiwas ako ng iiwas parati, para ko na ring sinasabi sa sarili ko na may nararamdaman pa ako sa kanya. Well, meron pa nga siguro. Pero hindi kasing tindi ng nararamdaman ko para sa kanya noon. Hmm....

"Hmm... okay then. Hey, may balita ba kayo kay Gayle?" tanong ni Lex.

Gaya noon, napansin ko na naman na medyo uneasy na naman si Dan. Kapag talaga napapasok sa usapan si Gayle, ganyan yung reaction niya. Mahirap nga naman kasi talagang itago ang totoong nararamdaman lalo na kapag ang tanging gusto mo lang eh ang isigaw sa mundo kung gaano mo kagustong makasama ang taong yun.

"Balita ko eh umalis siya papuntang Canada with her family."

Lahat kami eh nagulat sa sinabi na yun ni Michael.

"ANO?! Kailan pa? Bakit hindi niya sinabi??"

This time, si Lex naman ang nagtapon ng nilamukos na tissue kay Jem. And shoot na shoot yung sa ilong niya.

"Hinay-hinay ka sa reaction mong iyan. Hindi bagay sa isang babae."

"HEH! Huwag mo akong kausapin kasi wala naman akong makukuhan matinong bagay sayo!"

"Fine." I raised a brow. Bakit parang parati nalang naga-agree si Lex kay Jem? At bakit hindi na niya pinapatulan ang mga banat niya? Anong meron? Pero next time ko nalang pagtutuunan ng pansin ang dalawang yun. Si Gayle na muna.

"Kakaalis lang niya. Last week ata yun? Oo, last week nga. Nagulat nga lang ako ng malaman ko sa isang kaibigan ko. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi siya nagpaalam sa atin? Para namang hindi niya tayo kaibigan sa ginawa niya."

Status (On Hold)Where stories live. Discover now