As weird as it may sound, umuwi ako ng gabi na yun ng naglalakad. Tumakbo ako palayo kay Dan nung nalaman ko na nasa likod ko pala si Dicto nung time na inamin ko na crush ko nga siya. Kainis!
Medyo may kalayuan yung bahay ko sa school pero talagang narating ko yun unconsciously. Siguro ganun talaga kapag may bumabagabag sayo na malaking bagay. Just like kung papaano mo haharapin ang isang taong alam na crush mo siya. -.-"
Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto. Wala akong ganang magluto at kumain. Ginawa ko na yung bedtime rituals ko then tsaka ako nahiga sa kama. I'm supposed to do my assignments first pero bahala na. Wala akong ganang gumawa ng mga assignment ngayon. Kasi naman...
Hinihintay kong mag text sa akin si Dicto. O_________O
Kanina pa ako nakatutok sa screen ng phone ko at umaasang mag text siya sa akin. Nahihiya ako pero kahit na ganun, gusto ko talaga siyang makatext. Sana nga talaga mag text siya. -.-
Bigla naman akong nabuhayan ng loob nung tumunog yung phone ko at nag indicate na may nagtext sa akin.
'1 new message'
Naisip ko na baka si Dicto yung nag text. So dali2 kong binuksan yung message only to find out na hindi pala si Dicto yung nagtext kundi si Dixie.
For the first time in my life, ngayon lang ako nadisappoint na si Dixie pala ang nagtext sa akin.
Does this mean na talagang I've compeletely moved on?
Hi, Danna. :)
No kilig feeling...
Hey, musta na?
Ok lng. e2 gwpo prn. :)
No butterflies in my stomach...
U mean, over confident pa dn? :)
Haha! cguro. pero 22o nmn eh. dba? ;)
No fast beating of my heart...
Ewan. :p cge dix, my ggwn pa kc aq eh. Have a good night! :)
Weird.
Kw dn. Goodnight.
Yun lang at tinapos ko na yung pagte-text namin. Nakakapanibago. Kung noon eh grabe kung umasa ako na mag text siya. Kahit simpleng GM nga lang niya eh pinapatulan ko. Pero ngayon na isang personal message na talaga ang pinadala niya, parang wala lang sa akin. Hindi naman sa wala na akong pakialam sa kanya. He is my first love after all. And he has and will always have a place in my heart.
I guess hindi pa ako totally na nakakamove on. Impossible naman kasi na sa years na minahal ko si Dixie eh makakalimutan ko siya agad ng ganun-ganun lang. Yes, may konting hurt pa dito sa dibdib ko. Pero hindi na katulad noon. Ngayon kasi eh tanggap ko na ng buog-buo na tapos na ang story namin. Yes, hindi pa ako totally nakakamove on. But the fact na may ibang lalaki na akong napapansin, well, I think I'm getting there. :)
And speaking of that guy na napapansin ko ngayon, until now, hindi pa rin siya nagtetext.
"Haist..."
Siguro wala siyang pakialam na may crush ako sa kanya. After all, may girlfriend na siya. So bakit niya pagtutuonan ng pansin ang isang babaeng kakakilala lang niya na katulad ko?
On that night, I slept with a heavy heart. And after almost two years of having only one man in my heart who caused it to beat fast and to be hurt over and over again, this time, ibang lalaki na ang dahilan.
I just don't know kung magiging masaya ba ako sa knowledge na yun o hindi.
