Status - 2

642 8 17
                                    

"San ka galing?" Jem asked when we met on the afternoon of that day.

"Sa lib." I didn't look at her. Nag stay lang ako na nakayuko habang naglalakad kasabay niya.

If you're curious, yeah, I stayed there for hours. Actually, nakatulog nga ako sa kakaiyak ko eh. Buti nalang talaga at walang ibang tao ang pumupunta dun. Kung hindi, hindi ko na alam kung saan ko ilalabas itong damdamin ko.

"Parati ka nalang pumupunta sa lib ah. Anong meron dun?"

"Libro." I walk past her habang binibilisan ko yung pace ng paglakad ko. Si Jem yung type ng tao na parating nagtatanong pero yung mga tanong na yun, hindi mo malalaman kung saan galing. Do you know what I'm saying? Yung mga klase ng tanong na walang sense bah. Minsan, kahit obvious na obvious na umiyak ka the whole night kasi namumugto yung mga mata mo, titignan ka lang niya and itatanong kung bakit ganyan yung suot mo. There were times na nagpapasalamat ako kasi ganun siya. I don't have to explain myself. Pero minsan din, nakakainis na kasi wala akong mapagsabihan. I'm not the type na nago-open ng mga problems and all. Pero kung hindi ko na talaga kaya, tsaka pa siguro.

"Teka lang! Ang bilis mo naman maglakad masyado eh!"

"Nagugutom na ako. Kain tayo." Although sa totoo lang, wala talaga akong ganang kumain.

"Libre mo?"

"Dream on."

"Grabe! Ngayon lang Dan! Sige na!"

"Tumigil ka! Wala akong pera!"

"Anong walang pera? Eh parati ngang bulky yang wallet mo eh! So meaning, parating marami ang laman! So sige na, lobra na ha?" then she smiled her sweetest smile.

I made a face then iniwan ko na siya.

"Danna damot!" she shouted at me. Marami ang nakarinig kasi maraming tumitingin sa amin na para kaming hindi mga third year college students sa pagiging immature.

"HEH!"

"DD!"

I stopped.

"Huh?" DD? Anong meron sa DD?

"Danna damot! DD!"

I rolled my eyes and iniwan ko na talaga siya. DD? Huh. Weird.

Papalabas na ako ng school ng marinig ko na naman yung boses ni Jem na tumatawag sa akin.

"Danna!!"

I stopped and then hinintay ko siya.

"B-bakit ka ba ganyan?!" sabi niya nung nakarating na siya sa kinaroroonan ko. Then huminga siya ng malalim. "I-iniwan mo ako!" huminga siya ulit ng malalim. "Nakakainis ka!" then inulit na naman.

I laughed.

"HAHAHAHAHA!"

"B-bakit ka tumatawa ha??" she's already as read as a TOMATO! hahaha!

"Kasi ang pula-pula mo na! Para kang kamatis! HAHAHAHA!"

"Heh! Kasalanan mo 'to! Pinatakbo mo ako ng ganun kalayo! Magbabayad ka! LIBRE!"

"Ewan ko sayo! Halika na nga!"

So sabay nga kaming pumunta sa Sweets para kumain ng ice cream. That store don't only sell the best ice creams I've tasted in town but the best ice creams in the country! Nanalo na nga ang store na yun sa isang food competition na nationwide eh. Cool eh? I think so too. :)

Pagpasok namin, as usual, maraming tao. But it's not crowded. Malaki naman kasi ang place. The cute thing is that hugis Ice cream yung roof and then yung mga table and chair, hugis bread. They also sell bread kasi. Yung counter table naman, hugis cone. Anyone would love this place. Lalo na yung mga bata. But in this branch, teenagers ang kadalasan mong makikita. Nasa tapat kasi talaga ng university namin. But they also have a branch na halos bata and customers. Sa branch na yun, may play place sila or kung ano man ang tawag dun. So alangan naman pumunta doon ang mga teenagers like us diba? Siyempre dito kami kung saan maraming ka-age namin.

Status (On Hold)Where stories live. Discover now