Status - 3

540 8 14
                                        

Wala naman talaga akong bibilhin. Wala rin akong gagawin. Actually, hindi ko nga alam kung bakit andito na naman ako sa lugar na ito. Puro sakit lang ang nakukuha ko eh.

Nasa isang riverside ako ngayon. Hindi ko na sasabihin yung exact place kasi madamot ako eh kapag gusto ko yung isang bagay. Gaya ng lugar na ito. Dixie and I used to go to this place when we were still together. Dito naging official na kami. He surprised me with a picnic-like setting of a dinner. Sobrang natuwa ako so napatalon ako bigla sa kanya and I hugged him so tight then sinabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Corny ba masyado? :)

Sobrang ganda ng place. Kung akala niyo na polluted na ang lahat ng mga rivers dito sa Pilipinas, then you should think twice. Kasi I really don't think na polluted ang river na ito. Sobrang linaw ng tubig. Nakikita ko pa nga yung mga bato sa ilalim nun eh. And at night, may mga lamp posts na nagco-contribute sa beauty ng lugar and transforms it into a romantic place. With the stars and the moon shining brightly above you... hay.

Humiga ako sa damuhan and tinignan ko yung langit. It looks so calm. Sana ganun din yung nararamdaman ko ngayon.

Kinuha ko yung notebook computer ko then I opened my Twiiter account. Hindi ko na pinansin and mga updates and I just tweeted this: "The stars are shining brightly in the sky tonight. The same as my heart shines for you every time you say my name." After that, I checked on my FB. Marami na naman ang nag like and nagcomment about sa mga status ko recently. Almost all of them asked kung anong nangyari ang all. Nagreply nalang ako. Siyempre hindi ko sinabi yung totoo. Dinaaan ko nalang sa biro ang lahat. As usual, yun naman ang pinakamadaling gawin diba? Ang magbiro ng magbiro.

Oo at duwag ako. Duwag ako kasi natatakot akong malaman ng lahat na mahal ko pa siya kasi ayokong kaawaan nila ako. Duwag ako kasi natatakot akong malaman niya na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kasi ayokong makonsensya siya at mainis na naman sa akin. Duwag ako kasi hindi ko kayang ilabas ang totoong damdamin ko. Kahit sa isang tao lang, hindi ko talaga kaya. Pagod na akong maduwag. Pagod na akong masaktan. Pero may ginagawa ba ako para mawala ang lahat ng yun?

Wala.

Kasi kahit nasasaktan ako, gusto ko pa rin yung feeling na in love ako sa kanya. Kahit masakit, nahihirapan akong mag let go. I 've felt this feeling for years and letting it go just like that would be like trying to move a mountain all by myself.

I sighed.

I should be crying right now. Pero wala na. Naubos ko na yung luha ko kanina sa taxi nung papunta pa lang ako dito. Pero for sure, may bagong batch na naman ang dadating kapag nasaktan na naman ako. At hindi na ako magugulat dun.

I sighed again.

Tumayo na ako then umalis na ako sa lugar na yun. Ayoko pang umuwi kasi ako lang mag-isa dun. 

Naglakad-lakad lang ako sa mall ng makita ko yung Heaven na store. Bakit heaven? Kasi puro chocolates lang ang tinitinda nila. And kapag kumain ka ng chocolate, para kang nasa heaven. Narinig ko na kapag kumain ka ng chocolates, gumagaaan yung pakiramdam mo kasi naglalabas yun ng happy hormones called endorphins. And right now, yung mga hormones na yun ang kailangan ko. ENDORPHINS!

So I bought four big boxes of chocolates and I ate one of it agad pagkabayad na pagkabayad ko. Oo na. Matakaw na ako. Pero hmm... I just love chocolates. Well, most girls do. Diba? Hindi ko nga lang alam kung bakit. Yes, gusto rin yun ng mga lalaki. Based on my observation, mas marami talagang babae ang nagce-crave sa mga chocolates. :)

"Hindi na ako magtataka kung magkakaroon ng crisis sa chocolates. Pinakyaw mo na ata lahat eh."

Sabi ko nga sa inyo kanina, kahit hindi ako tumingin or kahit nakapingit ako, makikilala ko pa rin kung sino ang nagmamayari ng boses na yun. Siyempre andun na naman yung malakas na pagtibok ng puso ko. Pero hindi ko na muna inintindi kahit nahihirapan akong gawin yun. Please, hindi sana niya marinig yung malakas na pagtibok ng puso ko na ito.

Status (On Hold)Where stories live. Discover now