I was running. And I was running fast. Hindi ko alam kung saan ako papunta. All I know is that I'm running. And I'm running away from someone. Walang lingon2 na tumatakbo lang ako. Then napansin ko nalang na nakarating na ako sa isang tindahan. Pumasok ako and napansin kong walang tao. May nakita akong malaking table kung saan may nakalagay na mga pagkain. Pumasok ako ng tuluyan then I observed the place. Pero hindi ko ma klaro yung lugar. Para kasing nagiging blurry habang tinitignan ko ang kapaligiran. And then, may pumasok. Paglingon ko, there was a guy standing by the door. A smiling guy. Hindi ko alam kung sino siya. Ngayong ko lang din siya nakita. Tatanungin ko sana siya kung anong pangalan niya. But then napansin ko na parang may nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa likod niya. I tried to shield my eyes from the light para ma klaro ko pa rin siya. Pero sobrang nakakasilaw na talaga ng ilaw.
"Sino ka?" I managed to ask. But hindi siya sumagot. At nakita ko nalang na unti-unti siyang nilalamon ng ilaw hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala. And then,
I woke up.
Feeling ko nun eh lost ako. Kumurap-kurap ako then napansin ko yung nakakasilaw na ilaw na gumising sa akin. Yun pala eh nagmumula sa bintana. Yung sinag ng araw ang gumising sa akin. At yun din ang dahilan kung bakit naputol yung dream ko.
Tumingin ako sa ceiling at inalala ko yung mukha ng lalaking napanaginipan ko. Is it normal to dream about someone you haven't seen before? May ibig sabihin kaya ang dream ko na yun? And the biggest question is, sino kaya ang lalaking yun?
I decided to set it aside and to resume with my daily activities. Walang lang. A boring day. Pumunta ako ng school at umattend ng class, nagkita kami ng mga kaibigan ko, etc. Really, ang boring talaga ng araw ko. Kaya pagdating na pagdating ko ng bahay galing school, sumalampak agad ako sa bed and I stared blankly at the ceiling again. Then hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. At nung nagising ako, it was already dark outside. I checked the time on my phone. It was already 7:27pm. I was asleep for 3 hours.
I sighed. Ang boring talaga ng araw ko. Then I saw that I got 6 text messages. I checked on them and found out na halos lahat eh GM lang. Never pa talaga akong naka try mag GM. Hindi ko feel. But since bored na bored talaga ako at wala akong ibang maisip gawin, I decided to send one. And it was this:
"You don't always have to pretend to be strong, there is no need to prove all the time that everything is going well, you shouldn't be concerned about what other people are thinking. Cry if you need to, it's good to cry out all your tears, because only then you will be able to smile again. :)"
Good evening! :)
Then I sent it to my friends. Hindi pa lang natatapos yung pag send ko eh may mga nag reply na. Almost lahat eh nagulat kasi nag GM ako. Siyempre nag reply ako, biruan here and there. Natuwa naman akong katext yung mga kaibigan ko at medyo nawala yung boredom ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtetext ko ng makatanggap ako ng message galing sa isang tao na hinding-hindi ko inakala na mag a-appear ulit ang name sa screen ko. And the name registered in my screen was Benedicto.
Para akong natuliro na hindi ko alam kung magrereply bah ako sa message niya. Pero haller? Tinapik ko naman yung cheek ko. Hindi ko pa nga nababasa yung message niya eh nag iisip na ako kung magrereply ba ako oh hindi. Paano kapag GM lang din yung at hindi kailangan ng reply?
But yun nga, I opened his message and ang nakalagay?
Haha! Hi! Musta ka na? :)
Siyempre naman noh? This is the kind of message na kailangan mag reply. So yeah, nag reply nga ako.
Hey, ok lng nmn aq. hehe. ikaw? :)
Feeling ko ang boring-boring ng reply ko. Yang line kasi na yan ang usually na nirereply ko kapag hindi ko type na katext yung isang tao. Ngayon, hindi naman sa hindi ko siya gustong katext. Hindi ko lang talaga alam kung anong sasabihin. Nag expect ako na baka hindi na siya magrereply since ang boring nga ng reply ko. But, I hoped that he'll do. And can you imagine the beating of my heart when I heared my phone beep indicating that I have a message? And when I saw his name again, feeling ko eh parang ang saya-saya ko. Sobrang relieved na nagreply siya. Weird noh? Eh kung tutuusin eh isang text message lang naman yun. Pero ewan ko bah. Na excite ako eh. Then binasa ko na nga yung message niya at hindi ko na pinakialaman yung text messages ng other friends ko.
